Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kontrata ni Gabby sa dating manager binili ng Star Magic

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

SECOND project ni Gabby Concepcion ang teleseryeng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN kung saan makakasama niya ang balik-tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho, gayundin ang de-kalibreng aktres na si Lorna Tolentino.

Aminado si Gabo na med-yo kinakabahan pa rin siya sa pag-arte, pero hindi na raw tulad ng dati sa Iisa Pa Lamang, ang kauna-una-han niyang teleserye after 13 years niyang mag-stay sa Amerika.

Tulad nina Claudine Barretto, Angelica Panganiban at Diether Ocampo sa IPL, first time niyang makakatrabaho sina Tintin, Echo, Chin Chin Gutierrez, John Estrada, Karylle at Sid Lucero, except for LT na ilang beses na niyang nakasama sa ilang pelikula bago siya umalis ng Pilipinas.

Bilib ang actor sa talento ng mga artista ngayon.

"Naniniwala ako na nag-improve na talaga ang showbiz natin sa lahat ng anggulo since I left. Napakasuwerte ng mga kabataan ngayon 'pag may project na ibinibigay sa kanila ay talagang sinasalang mabuti. Hindi tulad noon na kaunti lang kami," ob-serbasyon ni Gabo.

Sa muling pagsasama nina Gabby at LT, sinabi ng aktor na tulad pa din ng dati ang actress.

"Ganu'n pa rin siya. Andun pa rin ang intensity. Pero makikita mo talaga 'yung sadness sa mata ni LT, very obvious 'yun sa kanya. 'Pag may confrontal scenes at malulungkot na eksena, mararamdaman mo talaga. She's great and a versatile actress. "

"It gives me great joy to have another project like this. I am so much pleased that I'll be doing a project with LT again with Echo and Kristine na talagang magagaling. Alam kong hindi gagawa ang ABS-CBN ng mga proyektong hindi papatok sa panlasa ng masa kaya wala akong pag-aalinlangang tinanggap ang teleseryeng ito," kuwento pa ni Gabby.

Role ni Gabby sa Dahil May Isang Ikaw ang first love ay si Jessa (LT) na mapapanood na sa August 24 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

* * *

SAMANTALA, hindi tuwirang nagkuwento si Gabby ng tungkol sa mga problemang kinasangkutan niya at sa dati niyang manager na si Mommy Rose Flaminiano.

Hindi na kasi si Mommy Rose ang kanyang manager.

Nabalitaan na-ming iba na raw ang magma-manage sa actor at ito ay walang iba kundi ang Star Magic.

Binili na diumano ng Star Magic ang kontrata ni Gabby kay Mommy Rose.

"Unofficial pa, pero masarap makasama ang mga tao sa ABS," saad ni Gabby.

"They are guiding me because ulila ako ngayon. I'm very happy with how ABS is treating me. Star Magic is taking care me as an orphan, so very thankful and very grateful ako. Everybody is so nice. "

* * *

AYAW masabihan ni Toni Gonzaga na gaya-gaya.

Lalong hate niya ang ikumpara siya sa iba dahil para sa TV host-actress-singer ay may kanya-kanya silang level ng bawa't artista.

May mga intriga kasing lumalabas na nakikipag-kumpitensiya siya sa Pop Princess na si Sarah Gero-nimo.

May provincial concert tour kasi si Toni sa ilang major key cities dito sa 'Pinas, titled Toni Gonzaga Level Up, na ginawa na rin daw ito ni Sarah.

Paliwanag ng anak ni Mommy Pinty, matagal na umanong plano ng Star Records na magkaroon siya ng provincial concert tour.

'Yun nga lang, hindi pa maluwag ang kanyang schedules noon.

Ngayon lang daw lumuwag ang sked niya at pagkatapos daw ng concert series ay balik na naman siya sa paghu-host ng Pinoy Big Brother.

"Actually, nahihiya nga ako sa kanya (Sarah) kasi may mga nagko-compare. Sarah has already proven herself in so many occasions. On her case, binabalik lang niya sa mga tao ang gratitude. Malayo na talaga ang narating niya. Kumbaga, malaki na ang napatunayan niya when it comes to movies and performing - sa mga concert. Saka, 'di ba sila ni Charice (Pempengco) ang magka-level?" ani Toni.

"I'm just here to do my job at wala akong intensi-yon o balak na tapatan ang kahit sino," dugtong pa nito.

Mag-uumpisa ang Toni Gonzaga Level Up (The Provincial Tour) with guests Erik Santos, Rayver Cruz at Jericho Rosales, sa August 21 (Limketkai Atrium, Cagayan de Oro, September 8 (La Salle Coliseum, Bacolod City), October 2 (Manila), October 16 (Holy Cross Gym, Davao City) at October 30 (Cebu Coliseum, Cebu City).

* * *

KUNG gugustuhin lang ni Tourism Secretary Joseph "Ace" Durano na mag-artista ay puwedeng-puwede.

Aba, guwapo at may taglay na karisma kaya hindi siya pahuhuli sa mga artistang tulad nina Richard Gomez, Gabby Concepcion, Christopher de Leon, etc.

Pero, hindi ang larangan sa pag-arte ang pinasok ni Durano, kundi mas ginusto niya ang maglingkod sa bayan kaya naman mas gutso niyang ipagpatuloy ang pagiging public servant sa abot ng kanyang ma-kakaya.

Katunayan, marami ang sumusuporta kay Secretary Tourism Ace para tumakbo sa Senado sa 2010 elections.

At inaasam niyang sana ay isa siya sa mapiling kandidato ng kanyang partido, ang Lakas-Kampi-CMD.

Bakit nga ba napaka-popular ng pinakabatang sekretaryo sa Gabinete ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo?

Well, masipag lang naman siya at maasahan at higit sa lahat may pundas-yon na si Ace dahil naging kongresista na siya ng Cebu bago naging Tourism secretary.

At bilang Tourism secretary target niyang uma-bot sa mahigit limang milyon ang turistang bibisita sa Pilipinas hanggang sa Dis-yembre, kung saan kikita ang bansa ng may US$50 bilyon.

Sa kasaysayan ng turismo ng ating bansa ay nga-yon lamang ito mangyayari, bunga ng kasipagan ni Durano.

Dahil sa naniniwala sa katangian at kakayahan ni Ace, sinabi ni Fundador Soriano, founding chairman ng Showbizwriters United for Gloria's Agenda for Reforms (SUGAR) at may 40 showbiz editors and columnists members, na susuportahan nila ang pagkandidato ng magiting na sekretaryo.

Source: Taliba