|
|
| Kontrata ni Gabo sa GMA Films, matindi at malupit!Author: Nitz Miralles May sagot ang GMA Films sa pahayag ni Gabby Concepcion at ng manager niyang si Rose Flaminiano na willing silang isauli sa film company ang ibinigay na downpayment para sa aborted comeback movie ng actor. Heto ang sagot ng GMA Films: "It's not about Gabby, it's not about money. It's about the principle that people in showbiz should learn how to honor their commitments. "Gabby has a live contract with us. He has been consulted in every step of the production. "We expect him to honor his commitment and we will enforce the contract that he has signed with us. " Samantala, gaano kaya katotoo ang tsikang nakarating sa amin na nag-meeting kamakailan ang Star Cinema at GMA Films executives para i-review ang kontrata ni Gabby sa film arm ng Siyete? Ayon sa isang source, gulat na gulat daw ang representatives ng Star Cinema dahil hindi akalaing ganu'n pala "katindi" at "kalupit" ang pinirmahan ng aktor bago nagbalik-'Pinas. Hindi na namin tinanong kung ano ang ibig sabihin nu'n. Dagdag pa ng source, 'pag hindi nagawan ng paraan at ipinagpilitan nina Gabby at Mrs. Flaminiano ang gusto, maaaring humantong sa korte ang usapan. Samantala, na-text sa amin na nag-start na ang shooting ng I. T. A. L. Y. o I Trust and Love You. Si Jolina Magdangal, sa Venice, Italy, nag-shoot at masaya ito't binisita ng nobyong si Bebong Muñoz on his way to Washington, D. C. Sa Genova, Italy, naman nag-shooting sina Dennis Trillo, Rhian Ramos at Mark Herras, at saka lang nag-shooting sa Costa Magica cruise ship nang dumating sina Rufa Mae Quinto at Eugene Domingo. * * * Kahapon lang umalis si Dingdong Dantes para sa taping ng Dyesebel sa Coron, Palawan. Hindi pa rin nito alam kung may eksenang magta-trunks siya (nire-request ng mga bading), pero ready siya kung sasabihin ni Direk Joyce Bernal. Ang alam niya sa ngayon, si Marian ang magta-topless. Hindi takot si Dingdong sa sinasabi ng iba na baka pagsawaan ang loveteam nila ni Marian, dahil katatapos lang ng MariMar. Iba raw ang mapapanood sa kanila sa fantaserye at hindi maaalala sina MariMar at Sergio. "Naniniwala rin akong as a pair, marami pa kaming puwedeng ibigay sa fans. Saka, mas maraming request na muli kaming mapanood, kesa sa mga nagsasabing over-exposed na ang loveteam namin. Wala pa nga kaming ginagawang pelikula," wika ni Dingdong. Hindi pa masyadong alam ni Dingdong ang character ni Fredo na gagampanan niya. Ang alam lang niya'y businessman ito, seryoso at maiiba ang takbo ng buhay nang ma-in-love sa sirena. Hindi na niya kinonsulta si Richard Gomez, na naka-pareha ni Alice Dixson sa Dyesebel movie, dahil iniba ang character niya at in-update para ibagay sa panahon ngayon. May touch din ito ng Filipino para mas maka-relate ang viewers. Nag-spoiler si Dingdong na sa next respective projects nila ni Marian, hindi na sila ang magkapareha. Tinanong ito kung papayag na magkaroon ng third project ang loveteam nila? Sabi ni Dingdong: "Ang alam ko, ang susunod naming project, hindi na muna kami ang magkasama. "Pero, depende rin sa panahon at ang GMA-7 ang magdedesisyon, they should know better. " Sabi pala ni Dingdong, ipinababa ang Bench Body billboard niya sa may Quirino, Manila, pero hindi niya alam kung bakit. Hindi rin niya alam kung papalitan 'yun ng ibang billboard ng Bench. Resulta yata 'yun ng reklamo ng ilang motorista na distracting ang kanyang litrato sa mga billboard? "Ang alam ko, approved ng Adboard ang bawat billboard na inilalagay at alam kong sinunod ng Bench ang guidelines. "Alam din nila ang taste ng mamamayan. May layout na 'di na-approve ng Adboard at 'di ginamit. Lahat ng makikita ninyong billboard, dumaan sa kanila. "Hindi ko alam kung ano ang naging problema," sabi ni Dingdong. * * * Sa Babangon Ako at Dudurugin Kita, lumayo na sa kanyang pamilya si Derek (JC de Vera) at naging karamay niya si Joey (LJ Reyes). Mag-iibigan ang dalawa at isang araw, habang nakikipagkita sila sa kapatid ng dalaga na si Brenan, babarilin ni Pablo si Derek at si Brenan ang tatamaan. Samantala, nagpapasasa na si Alfred (Marvin Agustin) sa pera ni Salve (Yasmien Kurdi). Bumili ito ng bagong kotse na ayaw pahawakan kay Salve. Nagpa-inom pa ito sa bahay nila at sa ilang pagkakamali ng asawa'y, sasaktan sa harap ng mga kainuman. Dumating si Melvin sa tahanan ng mga Picantes, kababata siya ni Julie (Diana Zubiri) at ipaaalala ang mga ginawa nila nu'ng mga bata pa sila. Walang maalala ang dalaga at sa halip, napaginipan ang pagpatay sa dating nobyong si Roman. * * * Magpa-pilot sa Wednesday, April 9, 10pm sa Q-11 ang Fit and Fab , isang health and wellness program for the women. Magbibigay ito ng information tungkol sa physical activities, fashion trends, beauty treatment, healthy recipes, at marami pang makakatulong para sa physical/spiritual/mental well-being ng kababaihan. Hosts ng Fit & Fab ang mga beauty queen na sina Theresa Licaros at Maggie Wilson at maghahati sila sa iba't ibang segments ng show. May Let's Get Physical," Bring Out Your Fav Side," at Fit to Eat. Sa unang segment, mapapanood ang dalawang hosts habang sumasabak sa iba't ibang sports at physical activities. Source: People's Tonight |