Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kontrbersyal na aktres,' di raw kinasal sa basketbolista!

Kontrbersyal na aktres,' di raw kinasal sa basketbolista!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

Hindi dapat ipilit na nagkabalikan ang sikat na young actor at ang kanyang girlfriend na galing sa showbiz clan. Actually, blessing in disguise na nagkahiwalay ang dalawa dahil hindi boto sa young actor ang mga magulang ng aktres.

Vocal sa pagkukuwento ang ina ng aktres na nagbabago ang ugali ng young actor sa tuwing nalalasing ito. Malakas uminom ng alak ang young actor at hindi ito lingid sa kaalaman ng pamilya ng aktres.

May tono ng panghihinayang ang boses ng ina ng aktres nang ikuwento nito na naging maganda ang trato niya sa young actor. Ipinagluluto pa ng nanay ng aktres ang dating boyfriend ng anak.

Okey na sana ang kuwento ng ina tungkol sa pagiging lasenggero ng aktor, pero idinugtong pa niya ang personal na pintas sa ama ng aktor na ikina-turn off ng kanyang mga kausap.

Hindi raw maiharap ng aktor sa publiko ang ama dahil bungal ito. Dahil sa sinabi ng nanay ng aktres, lumabas ang kanyang pagiging matapobre na ikinagulat ng mga kausap niya.

***

Isang malaking pagdiriwang ang gaganapin mamayang gabi sa Navotas bilang paggunita sa ika-100 taon ng bayan na pinamumunuan ni Mayor Toby Tiangco. Pormal na bubuksan ang Centennial Park ng Navotas na susundan ng isang star studded concert na pangungunahan ni Sarah Geronimo.

Mag-uumpisa ang show ng 8 p.m. (January 15) at matatapos ito kinabukasan, January 16. Sa kauna-unahang pagkakataon, mararanasan ng mga residente ng Navotas City na magkaroon ng magdamagan na show.

Sina Ethel Booba at Jose Manalo ang mga host sa unang bahagi ng programa. Kasama sa mga performer sina Jen Rosendahl, Jaycee Parker, Andrea del Rosario, Goin� Bulilit Kids, K and The Boxers, Blakdyak, Sheryn Regis, Mark Bautista, PBB Housemates Cassandra Ponti, Racquel Reyes and Sam Milby.

Sina Luis Manzano and Anne Curtis ang mga host sa second part ng programa na tatampukan ng Rivermaya. Ang coronation ng Mutya ng Navotas ang highlight ng programa na pinagbuhusan ng atensyon ni Mayor Tiangco.

"Ating ikonsidera ang ika-16 ng Enero 2006 bilang panimula ng 100 taon na darating para sa Navotas. Magsilbi muli tayong ginagabayan ng panga

rap ng mga naunang namuno, upang maihanda ang tamang daan para sa bagong henerasyon ng Navotas.

"Isapuso rin natin ang mga salitang binitiwan ni Ralph Waldo Emerson �Progress is the activity of today and the assurance of tomorrow�," ang mensahe ni Mayor Toby para sa kanyang mga kababayan.

***

Halos tapos na ang malaking bahay na ipinatayo ni Ai-Ai delas Alas sa isang village na malapit sa Broadcast City. Nakita ng aming kaibigan ang bahay ni Ai-Ai at ayon sa kanya, maganda at malaki ang bagong tirahan ng TV host/comedienne.

Sa pagkakaalam namin, sa March pa lilipat si Ai-Ai sa kanyang bagong bahay. Hindi kami sigurado kung ipagbibili pa niya ang bahay sa North Susana na naging masuwerte para sa kanya.

Mula nang lumipat si Ai-Ai sa kanyang North Susana residence, gumanda ang takbo ng career niya. Napilitan lang siya na mag-transfer at mangupahan sa isang bahay sa White Plains nang mag-away sila ni Mystica.

***

Itinanggi ng isang kaibigan ng kontrobersyal na aktres na nagpakasal ito sa kanyang basketball player boyfriend. Kung magpapakasal daw uli ang aktres, siguradong ipapaalam sa kanya.

Hindi naman binabawi ng aming source ang kanyang kuwento na nakita niya ang aktres sa shop ng fashion designer para kunin ang damit na gagamitin sa civil wedding nila ng basketball player boyfriend.

Nasa legal age na ang controversial actress. Katakut-takot na mga pagsubok sa buhay ang kanyang naranasan at karamihan dito ay kagagawan niya.

***

Nagustuhan namin ang concept ng dance show ni Lucy Torres sa ABC 5, ang Shall We Dance, The Celebrity Dance Challenge. Hindi sinasadya ang panonood namin sa bagong show ni Lucy. Naglilipat kami ng channel nang makita namin ang mukha ni Lucy sa aming TV screen.

Nakita namin ang weekly rating ng Shall We Dance at hindi na masama ang rating nito para sa isang show na bago pa lamang at napapanood pa sa ABC 5. Madagdagan pa sana ang audience ng feel good show ni Lucy para magtagal ito sa TV.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante