Sep 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Kontrobersya sa kanta ni Jed

Muntik pang magkaroon ng kontrobersya habang nagaganap ang mainit na laban ni Jed Madela sa World Championships of Performing Arts sa Hollywood, California.Nang makita ng mga hurado na ang kanyang lahok na kanta sa pop division ay

 

Kontrobersya sa kanta ni Jed

Jed Madela

Column: Kwentong Showbiz
Author: Ernie Pecho

Muntik pang magkaroon ng kontrobersya habang nagaganap ang mainit na laban ni Jed Madela sa World Championships of Performing Arts sa Hollywood, California.

Nang makita ng mga hurado na ang kanyang lahok na kanta sa pop division ay "I Don’t Wanna Miss A Thing" ng Aerosmith, tipong naguluhan sila. Isang rock song kasi ito at bakit isasali sa pop category? Ilang minuto silang nagdiskusyon, pero pinayagan na rin si Jed na magpatuloy sa kanyang bilang.

Kinanta nga ng Pinoy entry sa Olympics ng mga performers ang theme song sa pelikulang Armaggedon. Tahimik ang lahat habang umaawit si Jed. Pagkatapos ng kanyang performance, sumabog ang malakas na palakpakan at sigawan ng "Bravo!"

Pati ang mga hurado, kumbinsido na kahit rock song ito, nagawa itong maging pop version ni Jed. Pop nga ang istilo ng kanyang performance ng kanta at pati na ang arrangements nito.

Ang kantang ito rin ang pinanlaban niya sa contest para piliin ang overall grand champion. Hindi naman paramihan lang ng gintong medalya at mga plaque bilang Champion of the World sa iba’t ibang division ang timpalak para maging grand champion.

Kinailangan pang mag-perform uli ang lahat ng finalists mula sa vocal (singing), dance, acting and modeling divisions. Maging sa final contest, lumutang pa rin ang talento ni Jed kaya’t siya ang tinanghal na grand champion.

Sa gospel category, ang entry ni Jed, "Take Me Out Of The Dark" ni Gary Valenciano. Habang kinakanta niya ito, nagwawagayway ng mga kamay ang lahat ng tao.

Karamihan pa sa mga nanood, naluha dahil sa magandang mensahe ng kanta at sa pagka-interpret ni Jed. Natural, ang Pinoy na naman ang nagwagi ng gold medal.

Ngayong Linggo, ang formal welcome kay Jed Madela ng kanyang mga Kapamilya sa ASAP 05. Mainstay na siya ng show at nadagdagan na naman ng isang singing champion at isang world-class talent ang toprated Sunday noontime show ng ABS-CBN.

Nakausap ko si Jed noong Biyernes at kagagaling pa lang niya sa rehearsals ng ASAP.

"Isang song number ako sa portion ng mga singing champions," kwento ni Jed. "Magiging unti-unti ang pagsali ko sa show, hanggang masanay na sa akin ang mga viewers."

* * *

Nakausap ko ang isang taga-Obando Bulacan na si Gng. Emilia Yabut. Nakwento niya sa akin na dati’y nakatutok siya sa Kapuso channel. Bumalik siya sa Kapamilya dahil sa Pinoy Big Brother.

"Ibang klase kasi ang palabas na ito," sabi ni Mrs. Yabut. "Pati ako nai-involve sa mga ginagawa nila sa loob ng bahay. Pati ako apektado sa mga problema nila, na nagiging problema rin naman sa loob ng bahay namin."

Sabi naman ni Vicky delos Reyes na taga-San Miguel, Manila: "Madaling maka-relate sa Pinoy big Brother ang karaniwang tao na siya namang nanonood ng TV.

Source: Pilipino Star Ngayon