|
|
| Kris Aquino at Dr. Belo Nag-IsnabanAuthor: Francis Simeon Nagsimula na ngang mag-taping sina Tita Susan Roces at Kris Aquino kasama si Jodi Sta. Maria para sa kanilang SineSerye sa ABS-CBN na Patayin sa Sindak si Barbara last Thursday, October 25. Isa lang ito sa mga ginawang pelikula ni Tita Swanie na gagawing SineSerye ng Dos. Nung Biyernes, October 26, naman ay nag-pictorial na sa Studio 1 ng ABS ang buong cast ng isa pang SineSerye na Princess Sarah. Si Sharlene San Pedro na nga ang gaganap ng dating papel ni Camille Prats sa pelikula. Pinagupitan daw ng buhok si Sharlene na katulad ng itsura ng buhok ni Camille noon sa movie. Ang gaganap naman daw sa papel ni Angelica Panganiban noon bilang Becky at best friend ni Princess Sarah ay si Charming o si Eunice Lagusad na alaga rin ng manager ni Angel locsin na si Becky Aguila. * * * How true na nagdedmahan diumano sa concert ni Josh Groban last October 18, sina Dr. Vicki Belo at Kris Aquino? Nasa unahang upuan daw nina Kris at mga kasama nito sina Dr. Belo at boyfriend ng huli na si Dr. Hayden Kho. Pagbukas daw ng ilaw pagkatapos ng concert at pagtayo nila pare-pareho ay biglang humarap lang daw sa kaliwang side si Dr. Belo at si Kris naman daw ay sa kanang side naman. Totoo naman din kaya ang chika sa amin na never daw nanood ng Celebrity Duets on TV, lalo na sa taping ang anak ni Dr. Belo na si Cristalle Henares kung saan kasali nga si Hayden? Bakit kaya? Si Quark Henares kaya nakapanood kahit isang episode? Pero okey na okey naman silang mag-iina nung huli namin silang nakitang magkakasama. By the way, hindi lang pagpapaganda ng tao ang concern ngayon nina Dr. Belo, Cristalle at ng buong team ng Belo Medical Group. They also want to inspire their patients and the public na lalo pang pangalagaan ang ating kapaligiran. Ang ginagawa nila ngayon sa kanilang mga clinics na kampanya ay Belo Goes Green, where in kasama nila si former Environment Secretary Elisea “Bebet” Gozun. Kaya nga last Friday, October 26, ay natuloy na ang screening ng The 11th Hour, a documentary on global warming, narrated by Leonardo Di Caprio na sponsored ng Belo Medical Group sa My Cinema at Greenbelt 3 in Makati. Source: Pilipino Star Ngayon |