|
|
| Kris Aquino explains why she volunteered to appear in 'Mano Po 6'![]() Author: Bernie Franco Ikinuwento ni Kris Aquino na ang pagbo-volunteer niyang makasama sa Mano Po 6 na pagbibidahan ni Sharon Cuneta ay pagpapakita ng kanyang pasasalamat kay Megastar at kay Mother Lily Monteverde na siyang producer ng nasabing pelikula. Ayon pa kay Kris, pagbibigay rin ito ng respeto kay Mother Lily na nagbigay kay Kris ng kanyang pinakaunang pelikula halos dalawang dekada na ang nakalilipas. Kwento pa ni Kris, sobrang excited talaga siya para sa gagawing pelikula. Ang pinakahuling pelikula ni Kris ay ang 2006 horror movie, Sukob at sinabing it is about time na gumawa siya ulit ng pelikula at makakasama pa niya si Sharon. Ang pelikula ay official entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival. Bukod pa rito, malaking bagay din umano para kay Kris na si Joel Lamangan ang magdidirect ng pelikula. Ayon pa sa actress-host, pagbasa pa lang niya ng script ay lubos na siyang na-excite dahil sa ganda ng takbo ng storya. Dagdag pa niya, mahusay rin umano ang mga dialogue sa nasabing pelikula at mabilis ang pacing. Pahayag pa ni Kris, ibig lang sabihin na talagang may following ang Mano Po at nakaabot na ito sa pang-anim na sequel. Samantala, sinabi ni Sharon na never niya talagang inasahan na magbo-volunteer si Kris at sinabi kahit na sa tingin niya ay hindi na dapat ginawa ito ni Kris ay hindi niya maikakailang malaking bagay ito para sa kanya. Ipinagmamalaki rin ni Sharon ang kanyang mga co-star na mahusay sa pag-arte kagaya nina ZsaZsa Padilla, Christopher de Leon, at si Heart Evangelista na gaganap bilang anak niya. Source: ABS-CBN Interactive |