|
|
| Kris Aquino hanga sa angking katatagan ni Jennylyn MercadoAuthor: Chan-Chan Torres IBA talaga ang aura ni Jennylyn Mercado nga-yon. Gumanda at sumeksi ang batang inang aktres. Maging si Kris Aquino ay nagsasabing pa-rang hindi dumaan sa pa-nganganak si Jen nang magkita sila sa Shangrila Mall recently. Sa POV (Points, Opi-nions, Violent Reactions) segment ng The Buzz, sinabi ni Kris Aquino na ang laki ng iginanda ni Jen ngayon, at pumuti pa raw ang aktres. Pahiwatig na hanga siya sa tatag ng dalagang ina. Teka, may inspirasyon ba ngayon si Jen in the person of Andrei Felix? Komento pa ng TV host, mukhang masaya na si Jennylyn sa buhay bilang single mom at nang tanungin ni Kris si Jen kung kumusta siya sa ka-bila (partido nina Patrick Garcia), she just refused to give her comment. Siyempre, no talk na lang ang aktres. Woman scorned pa rin ang da-ting ni Jen at mahirap nga naman, baka 'pag nagsa-lita siya ay may masabi siyang hindi kaganda-han, 'di ba? Sa totoo lang, naiin-tindihan namin ang damdamin ni Jen. Aba, kahit sinong babae ang naka-ranas ng kanyang pinag-daanan, masasaktan din at titibay ang loob, pagkatapos ng lahat. Bukod pa sa hindi birong pagdudahan kung sino ang tunay na ama ng ipinagbubuntis at intrigahin habang siya'y nagdadalantan-tao. Tapos ngayon, out of the blue, biglang, may emote daw si Patrick na gusto ni-tong makita ang anak ni-yang si Alex Jazz? Teka, parang wala sa tono ang mga kaganapan, 'di ba? Mabuti na lang at matibay ang puso ni Jen. Marunong siyang manindigan. Ngayon, marami pa siyang biyaya at tuloy pa rin ang career niya sa GMA-7. Bumalik na ang tambalan nila ni Mark Herras, aminin natin, may kilig pa rin silang dalawa. * * * TALK of the town ang isyu kina Karylle at Ma-rian Rivera. Never-ending drama ito ng dalawang babaing nauugnay sa buhay ni Dingdong Dantes. Nagsimula ang lahat ng isyu at intriga nang sagutin ng isang ngiti lang ni Karylle ang ta-nong kung totoong buntis ba si Marian. At ang ama ay si Dingdong? Makahulugan ang na-ging ngiting 'yon ni Karylle kaya matapos ang panayam ng singer/ stage actress sa The Buzz, marami agad ang nag-react at nagdudang malamang ay nasa family way nga si Marian. Sa presscon ng Desperadas 2 kung saan isa sa mga bida ang GMA-7 jewel, nagkaroon ng ten-syon at drama dahil napa-iyak si Marian --nang ta-nungin tungkol sa'pa-smile effect' ni Karylle -- at sinabing hindi siya buntis. Nasasaktan daw si Marian sa mga sinasabi laban sa kanya. Well, parehong nagdaramdam at parehong pusong sugatan sina Marian at Karylle. Si Karylle ang pusong iniwan. Woman scorned and nasa process of men-ding her heart. Si Marian, ang babaing pinagbibintangan at hinuhusgahan. Masakit din sa kanya ang mga na-tatanggap na panlalait at intriga. Sa kaganapang ito, si Dingdong, isa siyang Adonis, huh! Well, sana ay magkaroon ng closure ang istor-yang ito nina Dingdong, Marian at Karylle. Pero, sa tingin ng marami, nagsisimula pa lang ang giye-ra sa pagitan ng dalawang babae sa buhay ni Dingdong Dantes. Dasal lang namin, ceasefire muna sila ngayon dahil Christmas season. Next year na lang sila magbangayan. Source: Taliba |