Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris Aquino is Kris Aquino -- Marian

Author: Nitz Miralles

Salitan sina Dennis Trillo, Mart Escudero at Marian Rivera sa pagbabasa ng names ng reporter na nanalo sa raffle sa ibinigay nilang Christmas get-together with the press kasama ang manager nilang si Popoy Caritativo.

Kita ang tuwa sa tatlo sa reaction ng press na nanalo at nagsilbi rin ang pre-Christmas party para ma-wish nang personal ng tatlo ang mga kaibigang reporter.

Tuwang-tuwa si Dennis na lahat ay nanalo at in-acknowledge ang malaking tulong ng press sa kanyang career.

Masaya ito at nalampasan niya ang pinakamatinding problemang dumating sa kanya at looking forward siya to a more lucrative 2009.

Ang alam ni Dennis, up to March pa ang Gagambino niya dahil hanggang middle of February pa ang kanilang taping.

Isa rin siya sa nag-welcome kay Bernard Palanca, ang bagong member ng cast.

First time nilang nagkatrabaho at matsa-challenge raw siya dahil magaling na actor si Bernard. Magiging karibal niya ito kay Katrina Halili.

Kasama naman si Mart sa Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X and what makes it more special ay kasama niya ang nobyang si Jennica Garcia at si Marian.
Nadamay daw siya sa magandang review ng episode.

Nag-celebrate ng first anniversary sina Mart at Jennica, pero hindi sinabi kung kailan at isang tuta ang regalo niya sa girlfriend.

Sa Pasko, ang cartoon na Lilo & Stitch, favorite ni Jennica, ang kanyang ibibigay.

Para sa kanyang sarili at kung may pera siya, Mazda 6 o kaya'y Mitsubishi Evo car ang gustong bilhin ni Mart.

Okey na ring regalo sa kanya na mapasama siya sa cast ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang bilang kapatid ni Marian.

Ibinalita naman ni Marian na sa Cavite, sa piling ng lola at ina, siya magpa-Pasko. Tatapusin lang niya ang Parade of Stars dahil kasama siya sa mga pelikulang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X, tapos, uuwi na siya ng Cavite.

Wala pa siyang nabiling regalo para sa ka-loveteam niyang si Dingdong Dantes dahil mahirap daw itong regaluhan at wala pa rin itong regalo sa kanya.

Magku-quits yata uli ang dalawa pagdating sa regalo.

Dedma muna si Marian sa intriga at pati ang comment ng isang taga-industry na hindi pa siya big star at malayo pa siya kay Kris Aquino, magaang tinanggap.

"Okey lang sa akin 'yon, walang kaso at kung 'yun ang tingin niya sa akin, wala akog magagawa. Kris Aquino is Kris Aquino at mahirap siyang pantayan. Paghuhusayan ko na lang ang trabaho ko para kahit du'n man lang, mapuri ako," wika ni Marian.

Source: People's Tonight