|
|
| Kris Aquino nag-backout sa MMFFAuthor: Nitz Miralles Wala ng Kris Aquino movie sa Metro Manila Film Festival, nag-backout ang TV host-actress at sa resignation letter niya sa MMFF, ang kalagayan ni Mrs. Cory Aquino ang ibi-nigay na dahilan. Gusto ni Kris na laging nasa tabi ng inang "in pain" dahil sa sakit na colon cancer. Isa sana si Kris sa magpapa-star-studded sa MMFF dahil kabilang sa big stars na may movie entry ay sina Sharon Cuneta, Vic Sotto, Bong Revilla, Marian Rivera, Manny Pacquiao, Willie Revillame at Dolphy. Kasama sana sa movie ni Kris si Kim Chiu na ikinagagalit ng fans nito at ni Gerald Anderson dahil bakit daw kailangang paghiwalayin ang dalawa. Ayan, 'di na tuloy ang movie, bawas na ang tension at stress ng Kimerald fans. * * * Si Regine Velasquez ang na-interview ni Mo Twister sa Gimme Mo segment nito sa Showbiz Central at kahit madalas makausap ng press, may mga bago pa rin itong nasasabi. Inamin ni Regine na nai-insecure pa rin siya, pero ginagawa niyang motivation 'yun para i-asses kung ano ang kulang sa kanya, as a whole, happy siya sa narating ng kanyang career. "Katuwa ang nabanggit nitong 'di niya ini-expect na magiging sila ni Ogie Alcasid, na nakilala niya ito nang mag-front act kay Dingdong Avanzado at second round na itong relasyon nila't nagdi-date na sila noon at natigil lang, hanggang mag-asawa si Ogie. * * * Totoo naman palang laging nakadikit si Kris Bernal kay Aljur Abrenica sa shooting nila ng I'll Be Waiting For You. Naging issue ito sa mga Boholanos at para raw aagawin nila rito ang ka-love team. Ang sabi ni Kris, kahit saan sila magpunta ni Aljur, lagi silang magka-holding hands, inaakbayan siya at niyayakap. Nag-sorry na si Kris kung may na-offend sa PDA nila. * * * Starstruck si Pia Guanio kay Aling Dionisia na sumalang sa Intriga Crossfire at namangha rin ang ibang hosts ng SC sa nangingislap nitong hikaw worth P600,000. Whew! Aliw ang sinabi ni Aling Dionisia na marami ang naiinggit sa kanya dahil sikat na siya at mas sisikat pa dahil sa sunud-sunod na endorsements at may special participation pa sa sitcom ni Manny na Show Me The Manny kasama si Marian Rivera. Pumayag na rin siyang pumasok sa pulitika si Manny dahil wala na itong gagawin 'pag nag-retire na sa boxing. Sana raw makatulong ang anak sa buong bansa. * * * May special participation si Isabel Oli sa Rosalinda bilang si Rica, ang mayamang ex-girlfriend ni Fernando Jose. Dahil sa amang may sakit, hindi makatanggap ang aktres nang pangmatagalang role at ang ama rin ang rason sa pagba-backout niya sa Darna. Samantala, successful ang first leg ng school tour ng Rosalinda noong July 16 at binisita nina Carla Abellana at Geoff Eigen-mann ang Pinaglabanan Elementary School at noong hapon, ang Cubao Elementary School sa 15th Avenue ang kanilang binisita. Nagkaroon ng prog-rama with storytelling and games at 'di lang students ang nagkagulo, pati teacher. Magkakaroon din ng palengke tour sina Carla at Geoff, abangan n'yo kung saan. Mamaya sa Rosalinda, ginawang tagasilbi ni Valeria (Sheryl Cruz) si Rosalinda sa party. Makikilala rito si Rica, ang ex-GF ni Fernando Jose na gusto ni Valeria sa anak at hahamakin nito si Rosalinda sa harap ng binata at mga bisita. Ayaw hiwalayan ni Rosalinda si Fernando Jose, masasampal siya ni Dolores (Jennifer Sevilla) at aatakihin sa puso ang ina ng dalaga. * * * Nagsimula kahapon ang season 23 ng Daisy Siete entitled Cha Cha Muchacha at bida uli si Rochelle Pangilinan. Maganda ang istorya ng Cha Cha Muchacha at ipinapakita ang masamang epekto nang sobrang pagkagahaman sa pera. Maganda rin ang pagkakabit-kabit ng kuwento at karakter na para mas maintindihan, kailangang subaybayan mula day one hanggang matapos ang kuwento ni Rosanna (Rochelle) na ipinanganak na mahirap, yumaman at sa second life niya ay naging kasambahay. Ang ramp at commercial model na si Kurt Dreo ang love interest dito ni Rochelle at tampok din ang bagong talent ng Focus E na si Julian Trono. * * * Sa All My Life, pagkatapos halikan si Jules (Aljur Abrenica) inaway ni Maricar (LJ Reyes) si Romina (Kris Bernal) at sinabunutan, gumanti ng sampal si Romina at inawat sila ni Jules. Tuwang-tuwa sina Marita (Lani Mercado) at Gary (Jay Manalo) nang makitang muli si Romina, nagyakapan ang tatlo, parang may reunion sa muling pagkikita pagkatapos ng ilang taon. Masaya ang lahat na nagkita-kita uli sila. * * * Tuesday sa Adik Sa 'Yo, sobra ang galit ni Carlos (Marvin Agustin) kay Joana (Jolina Magdangal) nang mabuking na 'di totoong buntis ang dalaga. Akala ni Joana, si Karen (Jennica Garcia) ang nagkalat na hindi siya buntis at magagalit siya sa kapatid. Iko-comfort ni Fatima (Eugene Domingo) si Joana na 'di alam na ito ang tunay niyang ina. Magdedesisyon naman si Ruben (Dennis Trillo) na puntahan si Karen sa Maynila nang ma-realize na mahal niya ang dalaga at idi-discourage siya ni Camille (Pauleen Luna). Pagdating sa bahay nina Karen, si Stella (Beth Oropesa) ang haharap sa binata. Source: People's Tonight |