|
|
| Kris Aquino na-offend kay Charlene GonzalesAuthor: Chan-Chan Torres HALATANG may hurt feeling sa boses ni Rhian Ramos habang sinasabi niya sa isang panayam na ang buong akala ni-ya'y nagkaintindihan sila noon ni Mark Herras. Aniya, ang sakit daw kasing isipin na mahalaga ang taong ito sa 'yo ta-pos malalaman mong hindi kayo nagkaintindihan all this time. Mga gano-ong words to that effect pa ni Rhian. Matatandaang naging item noon sina Rhian at Mark, as in niligawan umano ng binata ang aktres. Pero, sa hindi malamang reason (malamang dahil sa girls na na-link kay Mark), hindi nag-flourish, 'ika nga ang kanilang relasyon. Parehong visible nga-yon sina Mark at Rhian sa Kapuso shows with their respective partners. Rhian is doing very well sa La lola with JC de Vera. And she starts taping for Zorro with Richard Gu-tierrez, si Mark naman ay reunited sa kanyang perennial screen partner, Jennylyn Mercado. Komento pa ng ibang nakapanood, may loose ends kasi ang kuwento nina Rhian at Mark, may unfinished business pa. Balak kayang balikan ni Mark si Rhian at i-rekindle ang naudlot nilang pag-iibigan? * * * NAKAPAG-MOVE ON na si Diether Ocampo. Kitang-kita ang kaligayahan sa mata ni Diet habang ipinapakilala niya on national TV ang bago niyang girlfriend. Mestiza rin, pero simple ang dating ng girl at hindi ito showbiz. Sabi pa ng ibang nakakita sa bagong GF ni Diet, kamukha raw ito ni Kristine. Hindi naman. Mas strong ang features ng bagong girl ni Diet, although pareho silang ti-say ni Tintin. Muling tinanong si Diet tungkol sa annulment case nila ni Kristine Hermosa, pero matipid niya itong sinagot. Hindi muna raw siya magsasalita about it dahil nga nasa proseso pa ang lahat. Aniya, he is hoping for the best. Maging ang aktor ay nagsabi ring hangad niya ang lahat ng magaganda at mabubuti para kay Kristine. Natutuwa si Diet at magkaibigan sila ng baba-ing minsa ay naging ba-hagi ng buhay niya. Sa totoo lang, sa tuwing nakaririnig kami ng ganitong kuwento, mixed emotions ang aming na-raramdaman. Artista man o hindi ay nararanasan ang ganitong mga sitwasyon. Lagi naming sinasabi, walang paghihiwalay na hindi masakit, na hindi ma-lungkot. Pero it's always better to end something if things are not working anymore. * * * HALATANG hindi nagustuhan ni Kris Aquino ang muling pag-ungkat ng isyu sa kanila ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz. Late last year ay nag-karoon ng isyu sa pagitan nila ni Charlene, pero 'yon ay hindi naliwanag ng parehong involved. Hindi nag-comment si Charlene ng ilang buwan about this issue hanggang sinabi na lang ng beauty queen sa isang pa-nayam during a beauty product launch na she doesn't want to burn brid-ges, wala siyang sama ng loob kahit na kanino. In fairness kay Charlene, ever since this news came out, wala kaming na-rinig na diretsahan ni-yang sinabi about anyone in particular. Sa The Buzz, naku-nan ng opinyon si Kris. Sinabi niya on air na wala naman daw talagang issue about her and Charlene. Pinalaki lang daw sa mga balita ang lahat. In fact, ayon pa sa TV host siya pa raw ang nag-suggest sa name ni Charlene, since may mga pinagpipilian silang hosts to fill in the morning slot na magiging bakante sa paglipat nila ni Boy Abuda sa prime time. Pero, hindi si Charlene ang nakuha kundi si Ruffa Gutierrez. "Kung hindi niya (Charlene) ako feel, okey lang. " kaswal pang sabi ni Kris na medyo ngumiti ng sarcastic. Source: Taliba |