| | Kris Aquino on Noynoy Aquino: 'Hindi po ako nagdi-dictate sa kapatid ko' Author: Bernie Franco Umabot pa sa headline ng ilang dyaryo ang mga pahayag ni Kris Aquino hinggil sa love life ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino at may ilang tao na rin ang nasali sa isyu. Halimbawa na lamang ang pagbibitiw ng pahayag ni Sen. Ping Lacson hinggil dito dahil malapit sa kanyang puso ang napapabalitang girlfriend ni Noynoy na si Shalani Soledad.
Sa The Buzz kahapon ay nagpaabot ng paumanhin si Sen. Ping kay Kris through his daughter-in-law, Jodi Sta. Maria, na close friend naman ni Kris. Binasa ni Kris ang nasabing text at sinabi ni Sen. Ping na nakapagsalita lamang siya dahil sa malasakit niya kay Shalani na itinuturing niyang anak subalit humingi ng paumanhin kay Kris dahil nagsalita siya sa isyung pampamilya ng mga Aquino.
Nilinaw ni Kris na wala naman siyang sinasabing masama tungkol kay Shalani. Ipinagtapat din ni Kris na kailan lang niya nalaman na noong nagkaproblema sila ng asawa niyang si James Yap noong Holy Week, si Noynoy ang kumausap sa basketball player upang magkaayos sila. "This week ko lang po nalaman kay Noy 'yon. (Sabi niya), 'The last request of mom was to make sure you guys would be okay,' Noy did that for me," ani Kris. 'Yung kay Noy, kung saan siya liligaya, alam niya doon ako. Kung anong mga pangarap niya sa buhay, alam niya na dun din ako. I can say it now, binilin po ako at si James ni mom kay Noy. We really went through a lot of problems Holy Week. It was Noy who went out of his way na kausapin si James talagang without my knowledge," pagbabahagi ng actess-host.
Dagdag pa niya, ang pagkakaiba lamang nila ni Noy ay mas pribado ang kanyang nakatatandang kapatid sa kanya. Gayunpaman, sinabi ni Kris na natututo din naman siya sa kanyang mga pagkakamali. Mahal na mahal lamang daw niya ang kanyang kapatid kaya tila nakikialam siya sa buhay ni Noy. "Pero hindi po ako nagdidikta sa kapatid ko. Wala po sa kapasidad ko 'yon. ang sa akin lang talaga, it's out of love. Kung may kapatid kang lalaki talaga you will do everything for your brother. To my sisters who said, Kris quiet ka na, I'm quiet naman na," pagtatapos ni Kris.
Samantala, nakatanggap na ng platinum record award ang The Greatest Love: A Special Tribute Album to President Cory Aquino na bilang pagbibigay pugay na pumanaw na dating pangulo at ina ni Kris. Source: ABS-CBN Interactive |
|