Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris Aquino says she will star in an ABS-CBN teleserye

Kris Aquino says she will star in an ABS-CBN teleserye

Author: Julie Bonifacio

Sa press con ni Kris Aquino para sa kanyang newest product endorsement ay ikinwento niya na nagsara na sila ng usapan sa nakabili ng bahay niya sa Valle Verde II. May tatlong persistent buyers daw si Kris ng bahay nila ni James na very private persons. Pero winner 'yung nakabili but at the same time ayaw i-divulge ni Kris kung magkano nabili ang bahay niya niya. Tinupad daw niya ang pangako niyang 'yun sa kapatid na si Sen. Benigno "Noynoy' Aquino III na ang pagbebentahan ay gagamitin para sa kandidatura nito sa darating na 2010 elections. "Tinanong ko si James, sabi ko, okay ba sa 'yo 'to? Baka naman after May, sinisisi mo 'ko. Tapos, sabi niya,'Hindi, eto na 'yung tulong natin talaga.' So, we're downgrading. It's not like we're going to be homeless kasi sabi nga ni Noynoy, nakakaloka na bigla na lang kaming nag-rent. We're buying a much smaller place, a condominium. We have to move by November dahil 'yun ang gusto ng buyer na time na lilipat siya sa bahay namin."

Naging emosyonal naman si Kris nu'ng mapag-usapan na ang ginawang desisyon ng best friend at co-host sa "Showbiz News Ngayon" at "The Buzz" na si Boy Abunda na tinalikuran ang suporta kay Sen. Manny Villar para suportahan ang kapatid niya na sa pagka-Presidente. "Last night, he showed me a text and I thought it was cruel," naiiyak nang sabi ni Kris kaya humingi siya ng dispensa. "Sorry, naiiyak ako. Kasi, parang sinabihan siya na tinatanong kung totoo daw na tumanggap siya ng pera galing sa mga Villar and ngayon, ayaw niyang ibalik kahit na nag-Noy na siya. It's so untrue. I think, even when the reporter called up the Villar's sinabi nilang walang perang tinanggap si Boy. Kasi 'yung unang interview (with Sen. Villar) na ginawa ni Boy, he did it for free. He did that out of the years of friendship he had with the Villar's. It's not fair na titirahin siya because I know na he's doing it for us and for our family, Actually, ito, siguro, Boy should not be the one defending himself, I can defend him."

Dagdag pa ni Kris , may mga patunay naman daw si Boy na hindi talaga siya binayaran ni singko para sa interview na iyon. "For BIR purposes, Boy has certification to prove na 'yung mga interviews na ginawa niya (with Sen. Villar) initially, he was not paid for that. Actually, Holy Spirit siguro ang nag-guide sa kanya na humingi ng certification kasi alam naman natin na when you're high profile, mainit ang mata talaga ng BIR sa 'yo. So, hawak niya 'yung papeles na 'yun. Sana, huwag na nilang tirahin si Boy kasi kung wala naman si Noy dito, hindi naman mangyayari 'to, eh. Huwag lang siyang atekehin talaga. Kasi, mahal niya ako, eh. Kaya lang naman nangyari ito kasi napamahal na ang pamilya ko sa kanya. Sobra ang pinagsamahan namin kasi. Apart from my family, ang unang nakaalam na maysakit ang mom na iniyakan ko pa sa dressing room na kaming dalawa lang, was him. Nung alam na naming na mawawala na ang Mom, si Boy 'yung nandun. Nung time na namatay ang mom, family lang naming ang nandun and Boy."

Tungkol naman sa sinabi ni Boy na magbebenta rin siya ng kanyang bahay para itulong sa kandidatura ni Noynoy, may paglilinaw din si Kris. "When he heard last night na I was closing the deal for my house, sinabi niya na 'Krissy, nung sinabi ko 'yun, it was a figure of speech about how much I'm willing to support Noy. Pero tutulungan kita, hati tayo doon sa TV spot na bibilin mo. So, I mean, wala na akong mahihingi pa, di ba? Nawalan na nga siya, mag-aabono pa siya ngayon," emosyonal pa ring sabi ni Kris.

Nilinaw din ng TV host/actress ang pagkakapili ng pamilya niya kay Dingdong Dantes bilang spokesperson para sa kandidatura ni Sen. Noynoy. "I have to make it clear, ha, marami kaming kinakausap. Only 'yung kay Dingdong, the reason why he was on top of the list, most especially of my sisters, kasi it really, really made Mom so happy nung sinabi niya that Dad was his idol. Siguro, sa Mom, knowing that Dingdong is young and yet, he cared about Dad, it mattered so much to our Mom, and siyempre, sa amin ngayon, kung ano ang nagpaligaya sa Mom...and 'yung reason also talents, sa major stars, I never mentioned this, but kinilig ang Mom nu'ng nagpadala sila ng flowers. All of them signed the card personally at may mga personal messages sila. Nung makita ng Mom 'yung mga artistang pumirma nun, pati 'yung mga nurses, kilig na kilig. Sabi nila, 'Si Piolo (Pascual) po, sinulatan kayo.' So, siyempre, lahat ng nagpaligaya sa mom, 'yun ang tinatanong namin ngayon."

Sa huli ay ini-reveal ng TV host/actress na may gagawin siyang bagong teleserye at bagong game show. "I have a new game show coming out by first quarter of next year. And napayagan ako ni James to accept a teleserye. The reason why I accepted the teleserye is because I need tne money for Noy. I explained it to James na from now until elections, Noy gets half of everything I earn. In all fairness sa akin, kahit maldita akong kapatid, generous ako. At 'yung mga trabahong in-offer sa akin, inaral ko, pinakita ko kay James ang script at sinabi ko, 'ito 'yung pinaka-hate mo, yung umuuwi ng four in the morning, tiisin natin, please. It's only for four months." Ang sagot na lang daw ni James, "E, ginamit mo na si Noy, eh tatanggi pa ba ako?" Ang tinanggihan daw talaga ni Kris ay 'yung movie for Mother's Day presentation dahil sasakto talaga sa campaign ang shooting at promo. "Nanghihinayang talaga ako dahil napakaganda ng materyal pero hindi raw talaga pwede," tapos ni Kris

Source: ABS-CBN Interactive