|
|
| Kris Aquino to star in a new teleseryeAuthor: Julie Bonifacio MANILA - Sa press conference ni Kris Aquino para sa kanyang newest product endorsement ay ikinwento niya na nagsara na sila ng usapan sa nakabili ng bahay niya sa Valle Verde II. May tatlong persistent buyers daw si Kris ng bahay nila ni James Yap na very private persons. Pero winner 'yong nakabili but at the same time ayaw i-divulge ni Kris kung magkano nabili ang bahay niya. Tinupad daw niya ang pangako niyang 'yon sa kapatid na si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III na ang pagbebentahan ay gagamitin para sa kandidatura nito sa darating na 2010 elections. "Tinanong ko si James, sabi ko, 'Okay ba sa 'yo 'to?' Baka naman after May, sinisisi mo 'ko.' Tapos, sabi niya,'Hindi, ito na 'yong tulong natin talaga.' "So, we're downgrading. It's not like we're going to be homeless kasi sabi nga ni Noynoy, nakakaloka na bigla na lang kaming nag-rent. We're buying a much smaller place, a condominium. We have to move by November dahil 'yon ang gusto ng buyer na time na lilipat siya sa bahay namin." Naging emosyonal naman si Kris noong mapag-usapan na ang ginawang desisyon ng best friend at co-host sa "Showbiz News Ngayon" at "The Buzz" na si Boy Abunda na tinalikuran ang suporta kay Sen. Manuel "Manny" Villar Jr. para suportahan ang kapatid niya na sa pagka-presidente. "Last night (Friday), he showed me a text and I thought it was cruel," naiiyak nang sabi ni Kris kaya humingi siya ng dispensa. "Sorry, naiiyak ako. Kasi, parang sinabihan siya na tinatanong kung totoo daw na tumanggap siya ng pera galing sa mga Villar and ngayon, ayaw niyang ibalik kahit na nag-Noy na siya. "It's so untrue. I think, even when the reporter called up the Villars, sinabi nilang walang perang tinanggap si Boy. Kasi 'yong unang interview (with Villar) na ginawa ni Boy, he did it for free. He did that out of the years of friendship he had with the Villars. "It's not fair na titirahin siya because I know na he's doing it for us and for our family, Actually, ito, siguro, Boy should not be the one defending himself, I can defend him." Dagdag pa ni Kris , may mga patunay naman daw si Abunda na hindi talaga siya binayaran ni singko para sa interview na iyon. "For BIR (Bureau of Internal Revenue) purposes, Boy has certification to prove na 'yong mga interviews na ginawa niya (with Villar) initially, he was not paid for that. Actually, Holy Spirit siguro ang nag-guide sa kanya na humingi ng certification kasi alam naman natin na when you're high profile, mainit ang mata talaga ng BIR sa 'yo. So, hawak niya 'yung papeles na 'yon. "Sana, huwag na nilang tirahin si Boy kasi kung wala naman si Noy dito, hindi naman mangyayari 'to. Huwag lang siyang atakihin talaga. Kasi, mahal niya ako. Kaya lang naman nangyari ito kasi napamahal na ang pamilya ko sa kanya. "Sobra ang pinagsamahan namin kasi. Apart from my family, ang unang nakaalam na maysakit ang mom na iniyakan ko pa sa dressing room na kaming dalawa lang, was him. Noong alam na naming na mawawala na ang Mom, si Boy 'yong nandun. Noong time na namatay ang mom, family lang naming ang nandoon and Boy." Tungkol naman sa sinabi ni Boy na magbebenta rin siya ng kanyang bahay para itulong sa kandidatura ni Noynoy, may paglilinaw din si Kris: "When he heard last night na I was closing the deal for my house, sinabi niya na 'Krissy, noong sinabi ko 'yon, it was a figure of speech about how much I'm willing to support Noy. "Pero tutulungan kita, hati tayo doon sa TV spot na bibilin mo. So, I mean, wala na akong mahihingi pa, di ba? Nawalan na nga siya, mag-aabono pa siya ngayon." Nilinaw din ng TV host/actress ang pagkakapili ng pamilya niya kay Dingdong Dantes bilang spokesperson para sa kandidatura ni Noynoy. "I have to make it clear, ha, marami kaming kinakausap. Only 'yong kay Dingdong, the reason why he was on top of the list, most especially of my sisters, kasi it really, really made Mom so happy noong sinabi niya that Dad was his idol. "Siguro, sa Mom, knowing that Dingdong is young and yet, he cared about Dad, it mattered so much to our Mom, and siyempre, sa amin ngayon, kung ano ang nagpaligaya sa Mom...and 'yong reason also talents, sa major stars, I never mentioned this, but kinilig ang Mom noong nagpadala sila ng flowers. "All of them signed the card personally at may mga personal messages sila. Noong makita ng Mom 'yong mga artistang pumirma noon, pati 'yong mga nurses, kilig na kilig. Sabi nila, 'Si Piolo (Pascual) po, sinulatan kayo.' So, siyempre, lahat ng nagpaligaya sa mom, 'yon ang tinatanong namin ngayon." Sa huli ay ini-reveal ng TV host/actress na may gagawin siyang bagong teleserye at bagong game show. "I have a new game show coming out by first quarter of next year. And napayagan ako ni James to accept a teleserye. The reason why I accepted the teleserye is because I need the money for Noy. I explained it to James na from now until elections, Noy gets half of everything I earn. In all fairness sa akin, kahit maldita akong kapatid, generous ako. "At 'yong mga trabahong in-offer sa akin, inaral ko, pinakita ko kay James ang script at sinabi ko, 'ito 'yong pinaka-hate mo, 'yong umuuwi ng four in the morning, tiisin natin, please. It's only for four months." Ang sagot na lang daw ni Yap : "Ginamit mo na si Noy, tatanggi pa ba ako?" Ang tinanggihan daw talaga ni Kris ay 'yong movie for Mother's Day presentation dahil sasakto talaga sa campaign ang shooting at promo. "Nanghihinayang talaga ako dahil napakaganda ng materyal pero hindi raw talaga pwede," tapos ni Kris. Source: ABS-CBN News |