|
|
| Kris Bernal magpapalaki ng boobs after Holy Week![]() Author: John Fontanilla ALAK daw magpalaki ng boobs ang young star ng GMA7 na si Kris Bernal pagkatapos ng Holy Week. Ayon sa balita, willing daw ang star na ito ng Dapat Ka Bang Mahalin? ng Kapuso network na mag-undergo ng breast enlargement para sumeksi. Tsika ng aming source, preparasyon ito ni Kris para sa mas mature na role na iaatang sa kanya ng GMA7 pagkatapos ng soap na Dapat Ka Bang Mahalin? kung saan papel ng mag-asa-wang teeners ang gina-gampanan nila ni Aljur Abrenica. Dito ay mapapanood ang maiinit na lovescenes nina Kris at Aljur bilang mag-asawa. * * * HINDI raw balak gamitin ng Chicago-based Pinay young diva na si Shane Ortiz ang Pinay American Idol na si Ramiele Malubay. Sinagot lang daw niya ang tanong sa naunang naglabasang balita na ti-narayan siya ni Ramiele nang tangkain niyang magpakuha ng souvenir photo with her. Tsika ni Shane hindi siya galit kay Ramiele da-hil isa nga raw ito sa kanyang mga hinahangaang mang-aawit at very proud siya dahil kapwa niya ito Pinoy na nakapasok sa American Idol. Hindi lang daw maganda ang naging pagta-tagpo nila ng AI season 7 finalist sa Florida International Airport kung sa-an umiral ang pagiging maldita ni Ramiele.
Ayaw na raw kasi ni-yang ma-snob ulit ng kapwa Pinay na mang-aawit. Mas gugustuhin pa raw niya na mag-picture with Manilyn Reynes na iniidolo rin niya. In fact, ang carrier single niya sa kanyang album na How Am I from Poly East Records ay ang hit song ni Mani-lyn na Mr. Disco. * * * DAHIL 'di mapakali sakanyang kalagayan at kahit negative na sa cancer ang sinasabing bukol na nasasalat ng ex-Survivor turned comedienne na si Patani ay nagpa-check-up ulit siya sa ikatlong doktor para makakuha ng 'third opinion. ' Negative pa rin ang findings ng doktor sa ikatlong pagpapa-check-up niya. Ngayon daw ay makakatulog na talaga siya nang mahimbing dahil bahagi lang pala ng kanyang guni-guni ang pagkakaroon niya ng cancer "Grabe lang talaga akong affected ng pagkamatay sa cancer ni Rudy Fernandez at Francis M," wika ni Patani nang makausap namin. * * * HINDI raw pala makakapiling ni Paolo Paraiso ang kanyang ex-wife at itinuturing na espesyal na kaibigan na si Mylene Dizon sa pagsisilang nito sa kanilang ikalawalang anak. Sa Amerika kasi manganganak si Mylene at rason ni Paolo nang makausap namin, nagkadikit-dikit ang schedules ng kanyang trabaho, mula sa tapings ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at sa iba pa niyang TV guestings at shows. Kaya plano ni Paolo pagkapanganak ni Mylene, saka siya pupunta sa Amerika para sunduin na lang ang kanyang ex-wife at ang mga anak pa-uwi sa Pilipinas. Pero, kahit wala naman daw siya sa tabi ni Mylene ay lagi silang nag-uusap sa phone. Source: Taliba |