|
|
| Kris Bernal, naghahabol kay Aljur! Dingdong, nakigulo kina Marian at Manny![]() Author: Alfie Lorenzo Obserbasyon lang `to ng mga readers ko, ha! Say nila, bakit parang halatang-halata na mas malaki ang gusto ni Kris Bernal kay Aljur Abrenica, na parang mas naghahabol daw si Kris kay Aljur? Eh kasi, kapag ini-interview raw ang dalawa, mas kitang-kita sa mga mata ni Kris na in love na in love siya sa leading man niya sa Nandito Ako...Nagmamahal Sa'Yo. Eh, ang Aljur daw, parang sige lang, at go with the flow lang sa drama ni Kris? Tulad na lang daw sa Cosmo Bash, kitang-kita raw kung paano tumili nang tumili si Kris habang rumarampa si Papa Aljur na ang ganda-ganda ng katawan. At sa interview nila sa TV, parang isang sabihan lang daw ni Aljur na 'kiss' ang kapalit ng pagtili-tili ni Kris sa kanya, o pagsuporta sa kanya, hayun at parang nakaumang daw agad ang mga labi ni Kris para sa mga labi ni Aljur? Well, kung kasingkisig naman at kasingtigas ni Aljur ang lalaki, dapat lang siguro na iparamdam ni Kris na type niya ito, `no! Sige siya, baka maunahan pa siya ng mas 'mayaman' o mas 'rich' kesa sa kanya. Ha! Ha! Ha! Ha! May nakakita raw kay Dingdong Dantes na aali-aligid sa studio na pinagti-taping-an nina Manny Pacquiao at Marian Rivera ng Show Me Da Manny. Sign daw ba `yon na hindi kampante si Dingdong na kasa-kasama ni Marian Rivera si Manny? Na nakakaramdam din ng selos si Dingdong? Heto ang reaction ko! Hoy, isang malaking gimik `yan, `no! Bakit naman magseselos si Dingdong kay Manny? Walang dahilan, `no! Pero, totoo na umali-aligid si Dingdong sa studio na pinagti-taping-an nina Manny at Marian. At kinumpirma `yon ng GMA 7. Ang dahilan? Well, guest kasi si Dingdong sa Show Me Da Manny. Ha! Ha! Ha! Ha! Sa episode ngayong gabi, gagampanan ni Dingdong ang papel ng isang guwapong photographer (Dante) para maghanap ng modelo para sa kanyang proyekto. Makikilala niya sina Ella Paredes (Marian) at mabibighani agad sila sa isa't isa. Kukunin ni Dante si Ella na maging modelo niya. Dahil in love, magiging mabait si Ella sa lahat pati sa kanyang mortal na kaaway na si Manny Santos (Manny Pacquiao) kaya naman maguguluhan ang binata na may gusto kay Ella. Ang hindi alam ni Ella, kinuha rin ni Dante si Manny na maging modelo para itambal sa dalaga. Siyanga pala, happy ang GMA sa rating ng Show Me Da Manny. Katunayan, sa Mega Manila overnight ratings ng AGB Nielsen, nanguna raw sina Manny at Marian sa top 10 primetime Sunday programs noong Setyembre 6 matapos itong magtala ng 23% overnight rating. Ngayong gabi na ang party ng mga editors ko dito sa Abante at Tonite-Abante na sina Dondon Sermino at Jerry Olea, na gaganapin sa Tomas Morato. Sure ako, bongga ang party na ito ng dalawa, dahil hindi nila titipirin ang food nila, at babaha na naman ng lechon! Eh, last year nga, mahigit sampung lechon yata ang dumating na regalo sa kanila. Happy, happy birthday, Dondon at Jerry! Source: Abante |