Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris Bernal, ninerbiyos sa bikini!

Kris Bernal, ninerbiyos sa bikini!

Author: Jun Nardo

MATINDING nerbyos ang naramdaman ni Kris Bernal nang pagsuutin siya ng 2-piece bikini sa movie nila ni Aljur Abre­nica na I'll Be Waiting For You ng Regal Films.

“Nagawa ko na dati sa Loving You 'yon. Wala akong pakialam kung mataba ako pero ngayon, nang malaman ko na magsusuot ako ng bikini, na-conscious na ako! Hindi na talaga ako kumakain kundi fruits lang!

Nakakahiya kung `yung partner ko, hunk na hunk, tapos ako, mukhang losyang!” sabi ni Kris nang makausap namin sa shooting nila sa Bohol.

First time ba niyang nakita si Aljur na nakasuot ng trunks?

“Hindi rin! Sa Lo­ving You, nakita ko na at sa Zaido! Ngayon lang siguro... Mas maganda lang ang katawan niya ngayon!”

Paano ba niya inaala­gaan ang katawan niya?

“Hindi kasi sensitive ang balat ko sa makeup. Kahit matulog ako na may make up ng ilang araw, hindi nagbi-break out ang skin ko.

“Alaga ko siyempre ang face ko kasi 'yon ang gusto ng tao,” ani Kris.

Eh, 'yung boobs niya?

“Wala nga akong boobs, eh! Kaya nahihiya ako kay Aljur!” sagot niya.

Bakit hindi niya pala­kihan?

“Conscious nga ako! Wala akong balak palakihan pero depende kung gusto nila akong magkaroon! Ha! Ha! Ha!”

Teka nga pala, hindi ba niya nami-miss ang magka-boyfriend?

“Nami-miss! Pero si Aljur kasi, parang ganoon na rin 'yung relationship namin. So, bakit pa?”

Dumami ba manliligaw niya ngayon?

“Oo! Hindi ko nga alam kung bakit. Artista? Secret!”

Si Marco Alcaraz?

“Oo, nanligaw 'yon! Hindi ko binasted 'yon. Alam naman niya ang priorities ko. So, magkaibigan na lang kami!”

Eh, si Aldred Gat­chalian?

“Ewan ko sa kanya? Kaibigan ko lang siya!” sabi na lang ni Kris.

Source: Abante