Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris Buntis na naman!

Kris Buntis na naman!

Author: Lolit Solis
Column: Take It Take It

Eto ang latest tsismis, I repeat, tsismis na narinig ko na pinag-uusapan ng isang grupo ng mga re­por­ter, buntis daw uli si Kris Aquino.

Hindi ako nagulat nang marinig ko ang tsismis da­hil may asawa naman si Tetay at good news nga 'yon dahil madadagdagan uli ang kayang mga anak.

At dahil wala na si Tetay sa The Buzz, hintayin na lang natin sa Boy & Kris ang kanyang reaksyon tung­kol sa tsismis na buntis uli siya, kahit wala pang isang taon si Baby James.

Kung true man na preggy si Kris, babae ang gusto ko na maging anak niya dahil meron na siyang dalawang anak na boy, sina Joshua at Baby James.

Knowing Kris, baby girl din ang type niya na maging anak kung talagang preggy siya.

* * *

Magsisimula na pala ang Pinoy Idol sa susunod na buwan. Marami na ang nag-aabang sa  Pinoy Idol, lalo na ang mga mahihilig sa mga pagkanta.

Libu-libo ang sumali sa audition pero piling-pili ang mga nakapasa. Ganyan daw ka-metikuloso at kahig­pit ang Idol judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.

Panonoorin ko ang Pinoy Idol dahil bonggang-bongga raw ang mga ko­men­­to ni Wyngard as in nakakaloka ang kanyang mga statement. Wa siya care kung  ma-hurt man ang mga contestant, basta ma-sey lang niya ang truth and nothing but.

Ang bulag na contestant na galing sa Iloilo ang inaabangan sa Pinoy Iidol.

Mahihiya raw ang mga kolehiyala sa blind contestant na Inglesera at walang bitterness sa buhay kesehodang madilim ang kanyang paligid.

May mga bulag na sumali sa audition sa Mall of Asia. Mahuhusay din silang kumanta pero hindi pinalad na makapasa. Better luck next time. Sigu­rado naman na magkakaroon pa ng another season ang Pinoy Idol na puwe­deng umabot sa Season 7 tulad ng American Idol.

* * *

Umaapela ang fans nina Bea Alonzo at Anne Curtis sa ABS-CBN dahil ang mga idol daw nila ang deserving na gumanap na Betty La Fea, ang project na gusto sanang gawin ni Regine Velasquez.

Emote-to-the max ang fans nina Bea at Anne dahil hindi sila makapaniwala na si Valerie Concepcion ang type ng mga bossing ng ABS-CBN na maging bida ng Tagalog version ng Betty La Fea.

Well, kanya-kanyang panahon lang 'yan. Naranasan na noon nina Bea at Anne na magkaroon ng bonggang TV project. Hindi mortal sin na bigyan ng break ang ibang Kapamilya stars.

Dalagang-ina si Valerie. Unti-unti na siyang nakakabalik sa showbiz mula nang maging madir siya. Wala akong makitang dahilan para hindi maging successful ang showbiz comeback ni Jennylyn Mercado kapag nanganak na ito. Teka, hindi kailangan ni Jennylyn na mag-comeback sa showbiz dahil hindi naman siya nawala. Feel na feel pa rin ang kanyang presence, kahit tanungin ninyo ang mag-inang Bing at Patrick Garcia!

* * *

Kinumpirma kahapon ni Ciara Sotto sa Startalk na siya ang kakanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa March 15.

Excited na excited si Ciara dahil siya ang napili para kumanta ng Lupang Hinirang at hindi na niya kailangang lumipad sa Amerika dahil matagal na siyang namamalagi sa Amerika.

Kaba ang nararamdaman ni Ciara dahil knows nito na milyung-milyong televiewers ang makakapanood sa kanyang pagkanta pero hindi siya worried na baka malimutan niya ang lyrics ng Lupang Hinirang. Kahit tulog, memoryado ni Ciara ang lyrics ng ating Pambansang Awit.

Hindi kagulat-gulat kung pumunta sa Las Vegas ang mga magulang ni Ciara bilang suporta sa pag-sing niya sa laban nina Pacquiao at Marquez.

Source: The Philippine Star