Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris, ayaw pabayad sa 'MP6' ni Sharon! Jao at Sherwin, todo ang laplapan!

Kris, ayaw pabayad sa 'MP6' ni Sharon! Jao at Sherwin, todo ang laplapan!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

POSTPONED ngayong araw na ito ang first shooting day ng Mano Po 6: My Mother, ayon sa supervising producer ng movie na si direk Manny Valera.

Walang sinabing dahilan si direk Manny sa postponement. Instead, sa October 17 na ang simula ng Sharon Cuneta movie sa Regal Films.

Ngayong kinabog ni Heart Evangelista sina Angel Locsin, Marian Rivera, KC Concepcion at iba pang young actresses sa role ng mataray na anak ni Shawie, inanunsyo naman ni Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon na meron siyang cameo role sa MP6.

Best friend ng megastar ang role niya at hindi siya humingi ng talent fee kay Mother Lily. Request lang niya na huwag na siyang bigyan ng billing.

Ang mahalaga, happy siya at excited dahil first time niyang makakasama si Sharon sa isang malaking project.
***

Bukod sa pag-aasikaso ng projects ng Regal, abala rin sa promotions ng pelikulang I ? Dreamguyz si direk Manny na production ng DMV Entertainment.

Mapangahas muli ang pelikulang ito na dinirek ni Joel Lama­ngan after ng successful na Walang Kawala at Heavenly Touch. Napapanood na sa YouTube ang trailer nito na pinagbibidahan nina Sherwin Ordoñez, Marco Morales, Myhco Aquino, Miggy Valdez at ang baguhang si Jay-L Dizon.

Punumpuno ng boy to boy laplapan at lovemaking ang movie bukod pa sa pagpapakita ng alindog ni Nina Jose.

Si Jao Mapa na bading ang role ang karomansa at kalaplapan ni Sherwin sa ilang eksena sa pelikula.

“Sobrang laplapan! Ha! Ha! Ha! Labas dila! Eh, sa Kurap, babae ang ka-love scene ko. Dito, sobrang daring talaga!” balita ni Sherwin nu'ng presscon ng movie.

May eksena ring talu-talo sila ni Marco na pinagpapantasyahan nila ang bawat isa kaya may konting silip sa kanyang kargada.

“Parang shower scene 'yon na naliligo at pumasok si Marco. Pero dinesisyunang huwag nang isama ang eksenang 'yon,” kuwento pa ni Sherwin.

Pero parang late na ang pagpapaseksi niya dahil 31 years old na siya at may dalawang anak.

“Nag-venture kasi ako sa business at hindi naman siguro naka-affect 'yung pag-amin ko na meron akong dalawang anak. Nawala ako sa limelight pero nang nag-decide akong bumalik, time na rin sigurong ma-recognize ako bilang actor. Matured actor. Nata-typecast kasi ako bilang teen dahil sa looks ko. Gusto kong kumawala, so nag-decide ako to move sa another level,” paliwa­nag ni Sherwin.

Hindi ba nagri-react ang mga parents at teachers ng anak niya sa Ateneo?

“Ini-explain ko naman sa kanila ang trabaho ko pati sa son ko. Na as na actor, kailangan kong gawin 'yung mga ganoong eksena. Naiintindihan naman nila,” rason ng actor.

Bukod sa laplapan with Jao at maseselang eksena sa movie, may eksenang tumakbo rin nang hubo't hubad sa beach si Sherwin nang walang plaster kasama sina Marco, Miggy, Myhco at Jay-L, huh!

Source: Abante