Dec 04
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kris, dead na dead kay Gabby — Lolit

Ang pelikulang Una Kang Naging Akin ang gustong i-remake ni Gabby Concepcion na pinagbidahan nila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta. Eh, maski naman in real life, talagang nauna si Gabby sa buhay ni Sharon, in fairness! Pero, kung ibabase sa ngayong...

 

Kris, dead na dead kay Gabby — Lolit

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

Ang pelikulang Una Kang Naging Akin ang gustong i-remake ni Gabby Concepcion na pinagbidahan nila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta.

Eh, maski naman in real life, talagang nauna si Gabby sa buhay ni Sharon, in fairness!

Pero, kung ibabase sa ngayong panahon, tipong mas babagay na kina Gretchen Barretto at Ara Mina ang titulo ng nasabing old movie, ha!

Why, 'kanyo?

Well, tanungin n'yo na lang ang mga puno. Yezz, puno, as in, puno ng bayabas, puno ng malunggay at iba pang punong mayabong ang bunga with matching theme song na may lyrics na. .. "may ibong kakanta-kanta sa puno ng isang mangga, ang awit kay tamis-tamis, ang tuka kay tulis-tulis," tsuk!

At dapat daw, si Ara ang magda-dialogue sa mga punong hitik sa bunga ng mga katagang. .. "Una kang naging akin!," tsuk and more tsuk!

* * *

Hindi lang pala sina Sharon at KC Concepcion ang pupuwedeng makasalubong ni Gabby sa bakuran at pasilyo ng ABS-CBN, if ever.

Sinex daw? Eh, 'di si Kris Aquino, na ibinuking-buking nga ni Lolit Solis kung paano dead na dead ang Kris noon kay Gabo at kung paano nila ito itinatakas far from the maddening crowd of showbiz and the political circle of Tita Cory (Aquino).

Sayang nga lang daw at hindi nagkita sina Gabby at Kris nu'ng mag-taping ang comebacking actor sa Boy & Kris, eh.

Instead, si Kuya Boy Abunda ang natokang mag-interview kay Gabo. Nagparaspa raw kasi ang Kris that time.

Wow, if ever, hindi lang pala interesting na maging guest itong si Gabby sa Sharon ni Mega, kundi maging sa Wheel of Fortune ni Kris, devah naman, mga showbiz baklita?

Yezzz, Gabby guesting sa Wheel of Fortune, why not?

Eh, ang WOF pa naman ay tuwing gabi, 6 to 7 p. m. , sa Primetime Bida ng Dos. Kaya, pupuwedeng kantahan pa ni Gabby si Kris ng isang lumang awiting may lyrics na. .. "I saw you last night, I've got the same old feelings. .. ," or pupuwede rin na si Kris ang kumanta nitech, sey mo, La Lolita Solis?

Puwede! Panalo! If ever, that is.

* * *

Ang mga nanay o guardians nina PBBTE Plus housemates Priscilla, Valerie at Rona ang mga unang na-evict sa bahay ni Big Brother last Saturday night.

Sina housemates Kevin, Josef, Jeiree at isa pang girlash na housemate na na-forget namin ang namesung, ang nag-vote-out sa kanila.

Enjoy na enjoy pa naman ang mga naturang evictee sa pag-i-stay sa Bahay ni Kuya na parang ginawa nilang vacation house at talagang enjoy sila sa pagswi-swimming sa pool at jacuzzi dahil nga sa sobrang init ngayon ng panahon, lalo na ang madir ng binging housemate na si Priscilla.

'Di bale, Priscilla, 'pag ikaw ang naging grand winner sa PBBTE Plus, palagyan mo ng swimming pool at jacuzzi ang mapapanalunan mong house and lot for your mom to enjoy it, okidoki?

Ang kaso nga lang, nagsabi na itong si housemate Priscilla sa isang co-PBBTE Plus housemate na type na niyang lumabas ng Bahay ni Kuya, tsuk!

Source: People's Tonight