Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kris `di pa laos- Boy

Kinumpirma ni Boy Abunda na may mga pagbabagong mangyayari sa show nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN. "Next month ito mangyayari sa Boy & Kris, pero ito nama'y para sa lalong ikagaganda ng show," kuwento ng TV host. 'Yun nga lang, ayaw idetalye ni K...

 

Kris `di pa laos- Boy

Column: Hot Shots
Author: Gerry Ocampo

Kinumpirma ni Boy Abunda na may mga pagbabagong mangyayari sa show nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN.

"Next month ito mangyayari sa Boy & Kris, pero ito nama'y para sa lalong ikagaganda ng show," kuwento ng TV host.

'Yun nga lang, ayaw idetalye ni Kuya Boy kung anu-ano itong mga pagbabagong ito.

Abangan na lang daw nating lahat next month para may suspense.

Dahil co-host si Kris, hindi maiwasang maungkat ang mga naglalabasang negative write-up na nawala na raw ang magic o laos na si Kristeta kaya hindi ganu'n kaganda ang rating ng show nila.

"Hindi naman," kaagad na pagtatanggol ni Boy sa kasama. "She remains to be one of the most interesting persons. She has the power, the capability to reinvent herself.

"Tulad din ng isang symphonic movement, hindi laging malakas ang tunog nito. Humihina, bumubuwelo at lumalakas uli. Bumubuwelo lang," patuloy pa ni Kuya Boy.

* * *
Ano pa nga ba ang puwedeng itanong ng entertainment writers kay Kristine Hermosa?

Eh 'di ang tungkol sa walang kamatayang isyu ng fake na pagpapakasal nila ni Diether Ocampo.

"Para sa akin, wala naman talagang nangyaring kasal. Kung mali talaga 'yon from the start, eh, hindi naman legal. 'Di tapusin na 'yan. Tapusin na natin para maituwid at maayos. Para next time, eh, sure na sure na," pahayag ni Kristine.

Inamin din niyang hindi na sila bata ni Diet kaya may pagkakataong may sleepovers na nangyayari sa kanila ng actor.

* * *
Nasaktan pala si Ara Mina sa hindi pagkakatuloy ng kanyang pagkanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera sa Las Vegas next month.

Nu'ng una, ayaw pa niyang aminin sa taping ng Bubble Gang na naapektuhan siya ng pagkakapalit ni Kyla. Binuko lang siya ng co-star niyang si Ogie Alcasid.

Ani Ogie, natural lang na maapektuhan si Ara dahil tao lang ito't may damdamin na marunong masaktan.

Maging si Cristine Reyes, na semi-regular na sa naturang sitcom ng GMA-7, awang-awa sa Ate Ara niya.

Sa isang banda, happy na rin si Ara sa nangyari. Sa wakas, matitigil na rin daw ang mga paninira sa kanya.

Source: Taliba