|
|
| Kris, feel na feel sumuporta kay MegaAuthor: People's Tonight Bongga talaga ang paghahanda ng Regal Films para sa kanilang unang proyekto kasama ang megastar na si Sharon Cuneta, ang Mano Po 6: My Mother, entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Pagkatapos ipakilala ang naglalakihang artista na makakasama ni Mega sa pelikula tulad nina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo at Heart Evangelista, heto at inihayag na ng produksyon ang paglabas ng Queen of Talk na si Kris Aquino sa nasabing pelikula. Maraming hindi naniwala nu'ng lumabas ang balita na magsasama sa isang pelikula sina Mega at Kris, pero dito nga sa Mano Po 6, magaganap na ang pinakahihintay nilang pagsasanib-puwersa. Talagang kaabang-abang daw ang mga eksena na gagawin ni Mega sa pelikula, kasama na rito ang mga kasama si Kris, na gaganap bilang best friend ni Shawie. "Masayang-masaya ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho si Sharon," ani Kris, na self-confessed Sharonian. "I'm also very thankful to Sharon and her hubby, Kiko Pangilinan, for the support they gave to my brother Noynoy. " Para kay Kris, ito ang katuparan ng isang pangako na binitawan niya kay Mother Lily Monterverde at sa anak nitong si Roselle Monteverdeo-Teo. "Napakabait ni Mother Lily sa aming pamilya," dagdag ni Kris. "Doing this movie is only a little favor compared to what she has done for me and my family. It's the only way I can give a meaningful gift to Mother Lily, a gift of my time and presence. " Para sa pelikula, hindi magpapabayad si Kris, maski apat na araw siyang magre-report sa set para lang makiisa kina Mother Lily, Roselle at Mega. Maituturing din na pagbabalik ito ni Kris sa matagumpay na Mano Po franchise. Matatandaang sa unang Mano Po movie, kung saan nakasama niya sina Maricel Soriano at Ara Mina, ay humakot si Tetay ng ilang parangal mula sa iba't ibang award-giving bodies bilang best supporting actress. Si Joel Lamangan ang namamahala sa direksyon ng Mano Po 6: My Mother, sa panulat ni Roy Iglesias. Source: People's Tonight |