Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris, inagawan ng commercial?

Kris, inagawan ng commercial?

Author: Rey Pumaloy

NILINAW ng may-ari ng Goldilocks na wa­lang banggaan na magaganap sa kanilang mga celebrity endorsers na sina Kris Aquino at Dingdong Dantes.

At hindi rin daw inagawan ni Dingdong ng endorsement si Kris.

Ang ini-endorse ni Kris ay mga cakes, samantalang fastfood at pastries naman ang kay Dingdong.

Posibleng magsama sina Dingdong at Kris, pero hindi pa iniri-reveal ng Goldilocks kung sa TV o print ad ba ito mangyayari.

Nagkita sina Kris at Dingdong sa Christmas party ng Bench kamakailan, pero nu'ng time na 'yon ay hindi pa nagagawa ang commercial ng aktor para sa Goldilocks.

Anyway, ang ganda nga ng pasok ng 2009 kay Dingdong, dahil sunud-sunod na agad ang mga endorsements niya, at nandiyan pa ang show nila ni Marian na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang.

“Isang magandang buwena-mano sa akin ang Goldilocks. Sana mag-set ng trend for the rest of the year.”

Wala raw siyang pinagsisihan sa mga nangyari sa kanya nu'ng 2008.

“Hindi naman puwede na puro positive. 'Yung mga bad things na nangyari last year, nagpa-realize sa akin 'yon na I'm also human, na may panahon para magkamali, may panahon para umayos at magbago,” sabi na lang ni Dingdong.

Source: Abante