Kris, itsa-puwera muna kay Katrina Author: Abante KUNG pagbabasehan ang mga salita ni Katrina Halili ngayon, masasabing loveless siya at least priority niya ang lalaki. After ng kinasangkutan niyang controversy, marami raw siyang na-realize at isa na nga rito ang mas pahalagahan ang trabaho niya than anything. Kaya ba nawala na sa eksena si Kris Lawrence? “Ang nangyari, kasi before, hindi ko naman inaano na... talaga namang open ako. Talaga namang inspiration ko siya. Inspired ako sa trabaho ko, ganyan.
“Nandiyan siya. Noong may problema ko, nandiyan siya. Sinusuportahan niya 'ko sa lahat. Masaya naman ako ru'n, kaya nga naging open ako ng sobra, 'di ba?
“Pero after ng lahat ng nangyari sa akin, syempre, na-realize ko na hindi ko muna siguro kaila-ngan ng isa pang lalaki.
“Gusto kong ayusin ang buhay ko. Kung anuman ang career ko nga-yon, ayokong basta-basta mawala sa showbiz na ganoon ang iiwan ko.
“Kung mawala man ako ngayon, ano ang tingin sa akin ng mga tao?
Marami akong gustong baguhin. Marami akong gustong... ayokong basta-basta... ayokong kung aalis man ako ngayon, ganoon ang tingin nila sa akin. “Gusto ko na kung aalis man ako ngayon, maalala nila 'ko dahil sa trabaho ko. Kung ano ang ginawa ko at hindi dahil sa pagkakamaling 'yun,” sey ni Katrina, na bagong image model ng Bench Body.
Naiintindihan daw ni Kris nang magdesisyon siyang isantabi niya muna ang lovelife.
“Pareho kaming busy. Siya rin naman. Ayokong maging unfair kung magi-ging busy ako sa trabaho at magpapaasa ako ng tao.”
Hindi raw totoo na ayaw sa kanya ng pamilya ni Kris Lawrence na na-meet na niya noong magpunta sila ng singer sa Amerika.
“Wala po... wala pong ganoon. Na-meet ko na po sila pero wala namang ano du'n. Kahit siya, na-meet niya ang pamilya ko. Pero ganu'n lang.
“Hindi pwedeng pumunta na sa ibang stage dahil ang bata-bata ko pa, 'di ba? Kaka-23 ko pa lang. Wala po talagang kinalaman ang pamilya niya or kahit pamilya ko.”
***
Kabibili lang niya ng bagong bahay sa New Manila. Isang paraan niya ito para mas maging focused sa trabaho.
“Iyun pa, kaya hindi ko kailangang ma-inspire sa lalaki. Pwede akong ma-inspire sa trabaho! Ang nangyayari kasi, kapag meron akong inspirasyon, nagiging selfish ako, ayokong magtrabaho.”
This April or May siya makakalipat sa bagongtownhouse.
“Maraming bayarin. Kailangang magtrabaho. Rent to own siya, five years to pay pero, kung wala na 'kong trabaho, ibebenta ko na lang siya! Ha ha ha!”
Sa lahat ng mga nangyari sa kanya, ano ang lesson na natutunan niya? “Natutunan kong mahalin ang sarili ko. Ang trabaho ko. Kumuha ako ng responsibilidad, 'yung bahay.
“Kasi, kung hindi ako kukuha, anytime, parang gusto ko nang umuwi, ayoko nang magtrabaho.
“Kumuha ako ng bahay para hindi ka pwedeng hindi mag-work. Basta kung talagang walang-wala na, ibebenta ko ang bahay at uuwi na lang ako sa Palawan.”
Source: Abante |