Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris, kinatatakutan ni Marian!

Kris, kinatatakutan ni Marian!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

MALAKI ang respeto at takot ni Marian Rivera kay Kris Aquino na madalas siyang payuhan nu'ng baguhan pa lang siya.

“Napakabuti niya sa akin. Lahat ng comments na dapat niyang sabihin sa akin, sinasabi niya ta­laga. Mula blush on, huh! “At nirerepesto ko 'yung mga comments niyang 'yon kasi mahal ko 'yon! Nagsisimula pa lang ako, siya na ang nagpapayo sa akin.

“Sa kanya pa ako nanghihiram ng gown at binibigyan pa niya ako ng shoes!” kuwento ni Marian.

May alam ba si Kris sa tsismis sa kanila ni Dingdong?

“Ahh, hindi ko masabing hindi, dahil hindi pa naman kami nakakapag-usap na dalawa! Alam ko, good friend siya ni Momsie (her manager, Popoy Caritativo).

“Pero malaki ang tiwala ko kay Kris Aquino na hindi niya gagawin ang isang bagay kung wala rin siyang alam, 'di ba?” pagtatanggol niya kay Kris.

Hindi ba niya naramdaman na pinaplastik lang siya ni Kris?

“Never niya akong plinastik! At nararamdaman ko na totoong tao siya na katulad ko!” pahayag pa ni Marian.
***

Ngayong huling Miyerkules ng Codename: Asero, malalagay sa panganib si E­mily (Heart Evangelista) at gagawing lahat ni Grecko (Richard Gutierrez) para mailigtas ang babaing naging parte ng kanyang buhay.

Ang hadlang nga lang, hindi pa rin bumabalik ang normal na emosyon ni Grecko at nangingibababaw pa rin ang pagiging cyborg niya!

Subalit abangan sa pagtatapos ng series ang laba­nan ng dalawang Richard (Gomez at Gutierrez) dahil ginastusan talaga ng GMA network ang finale ng programa!
***

Happy, happy birthday today, to Eat Bulaga boss and a very dear friend and mother of all ng Wednesday Clubbers na si Ma'am Malou Choa Fagar.

Source: Abante