|
|
| Kris, lumabas ang pagiging tsismosa! Ogie-Michael, 'di nagpatalo kay Ondoy!![]() Author: Jun Nardo TUMABO nang husto sa takilya ang Yaya & Angelina, The Spoiled Brat Movie, nu'ng kasagsagan ng bagyong Ondoy. Marami kasing na-stranded sa mga malls habang nananalasa ang bagyo, kaya tumipak pa ang Ogie Alcasid-Michael V movie. No wonder, kahit naging sagabal si Ondoy sa week of showing ng movie, masayang-masaya pa rin ang producers ng movie, ang GMA Films at APT Entertainment sa kita ng pelikula. Kaya naman bilang pasasalamat din, nagbigay ng thanksgiving party ang producers ng movie sa entertainment press kahapon. Extended pa sa 85 theaters ang Yaya & Angelina at balak ng mga producers at artista na tumulong sa kababayan nating nasalanta ng bagyong si Ondoy na sa Vietnam naman naghahasik ng lagim bilang typhoon Ketsana! Hindi pinangalanan ni Kris Aquino kung sino ang actor na tagahawak ng bote ng mineral water na iniinom ni Erich Gonzales habang nasa bus na sinakyan nila, sa pamimigay ng relief goods sa mga biktima ni Ondoy. Pero sa video ng mga Kapamilya stars na kasama sa bus, nakita naming si Xian Lim ang nakadikit kay Erich. Wala si Ejay Falcon sa okasyong 'yon kaya obyusli, si Xian na nga ang actor na tinutukoy ni Kris! Silang dalawa lang naman sa series na Katorse ang tumulong sa proyektong 'yon ng Dos. Si Kris talaga! Hanggang sa makabuluhang okasyon, lumalabas ang pagiging tsismosa, huh! Busy man sa pagtulong kay Dingdong Dantes para sa pagtulong sa mga binaha, hindi pa rin pinababayaan ni Marian Rivera ang obligasyon niya sa taping ng Darna. Bagyo lang nga ang naging pahinga ni Marian sa taping lalo na at matitindi ang mga eksenang binuno niya na napapanood gabi-gabi. This time naman, ang mahal niya sa buhay na si Ding (Buboy Villar) ang malalagay sa panganib dahil sa kakulitan nito. Pero siyempre, kaabang-abang ang labanang Darna versus Babaing Lawin (Ehra Madrigal) na punumpuno rin ng galit ang puso! Source: Abante |