|
|
| Kris, nag-alala kay Ai-AiAuthor: Vinia Vivar Tuluyan na ngang namaalam si Francis Magalona sa ating mundo dahil kahapon ay isinagawa na ang cremation sa kanyang mga labi sa Funeraria Paz sa Quezon City at inilibing sa Loyola Memorial Park sa Marikina. Sa huling gabi ng kanyang burol sa Christ the King Church last Tuesday ay dumagsa ang mga nakiramay sa pamilya ni Kiko mula sa loob at labas ng showbiz. Namataan sa last night sina Gov. Vilma Santos-Recto, former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, former President Joseph Estrada, Sen. Jinggoy Estrada, Aga Muhlach and wife Charlene Gonzalez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid and Reginne Velasquez, Eat Bulaga family, Susan Roces, Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos at marami pang iba. The night before (Monday) ay ipinakita rin ang pagdalaw ni former President Cory Aquino na as we all now ay kasalukuyan ding nakikipaglaban sa cancer. For the last time ay nagbigay ng very touching tribute ang Eat Bulaga kahapon para kay Francis. Ipinakita nila ang mga video clips ng singer/rapper during happier times sa EB. Ang kanyang performances, mga jokes at mga mumunting alaala how Kiko touched their lives. Nakalulungkot at nakakaiyak ang linya na ginawa ng EB which went something like "ito ang aming ika-8,876 na episode pero ang araw na ito ang pinakamalungkot". Paalam, Francis. As Gary Valenciano said, mananatili kang buhay sa alaala ng lahat because your music will live on forever. * * * Sa presscon ni Gary V. last Tuesday ay ibinalita sa amin ni Angeli Pa-ngilinan na kinausap siya ni Ely Buendia na dating lead singer ng Eraser-heads at nagpapatulong kay Mr. Pure Energy para tapusin ang unfinished album nila ni Francis. Bago kasi namatay si Kiko ay may naumpisahan sila ni Ely na collaboration album called The Sickos Project at sayang nga lang dahil nakamatayan na ito ng Master Rapper. Pero desidido si Ely na ituloy ito at tuwang-tuwa naman si Gary V. nang malamang he was chosen to help. Sa ngayon, ayon kay Gary ay hindi pa raw niya nakakausap si Ely kaya hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya. "Kung gusto niya ako maging bahagi ng album, puwede. Does he want me to finish it? What does that mean? But I'm excited. If it's for Francis Magalona and for Ely Buendia, why not? I don't know if I'm the one who's gonna write it, or I'm gonna be part of a project that gives tribute to Francis Magalona" sabi ni Gary V. Nai-share rin ni Mr. Pure Energy na mas nauna raw maging dancer si Francis kaysa maging singer. In fact, nagkasama pa raw sila mag-perform ng isang dance number on stage. "I remember when we were rehearsing, sabi niya, "pare, ang hirap pala nito". At that time, medyo paano na siya sa dancing, eh. Yeah, he was discovered as a dancer. Lumabas siya before sa Dance 10," Gary informed us. Tulad ng ibang singers, kinikilala rin ni Gary ang malaking kontribusyon ni Kiko sa larangan ng musika. "He's not just a great artist but also a good dad, which for me is the number one—he's a good dad, a good husband, and then, he's a good artist," pahayag pa ni Mr. Pure Energy. * * * Isa pang sad news ay ang pagkakasakit ni Ai-Ai delas Alas. Kasalukuyan siyang naka-confine sa FEU Hospital dahil sa sakit na acute pyelonephrinitis and acute gastritis. Si Kris Aquino pa mismo ang nagbalita nito sa SNN last Tuesday night at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Ayon sa doktor ni Ai-Ai na si Dr. Lerry V. Tan, kinakailangang mabigyan ng proper treatment ang komedyana at baka manatili sa hospital ng 5-7 days. "Do get well soon, Ai-Ai and God bless you," ang mensahe ni Kris para kay Ai-Ai. Does this mean na tinatapos na ni Kris ang hidwaan nila ni Ai-Ai? * * * Paki ni kasamang Roldan Castro, Philippine Movie Press Club president, may project ang PMPC which is a fund raising show titled Sabado Summer Saya na gaganapin sa Sabado, March 14, 2009 sa Zirkoh Greenhills. Ang mga performers ay sina Richard Poon, Jay R Siaboc, Sexbomb Girls, Rubi Rubi, Ate Gay, Lance Raymundo, Yellow Milano, Dance Squad Dancers. Source: People's Tonight |