Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris, nagmukha lang extra sa US DOND?

Author: Lolit Solis
Column: Take It Take It

May ima-manage ako na male talent pero saka ko na sasabihin sa inyo kung sino siya.

Leading man material siya at higit sa lahat, kontrobersyal. Malapit na siyang mapanood sa bagong TV series ng isang giant network.

In fairness, matagal nang kinukumbinsi ang male talent na mag-artista pero kailan lang siya nagdesisyon na seryosohin ang pag-arte. Iyon lang muna ang masasabi ko tungkol sa male talent na iga-guide ko ang showbiz career. Iga-guide raw o!

* * *

Hindi ako magugulat kung hindi lamang ang mga artista ang pupunta mamaya sa misa para kay Rudy Fernandez sa Christ The King Church sa E. Rodriguez, Avenue, QC.

Marami ang nagmamahal kay Daboy kaya hindi ako magtataka kung pumunta rin sa misa ang mga tagahanga nila ni Lorna Tolentinto.

Hahabol ako sa misa pagkatapos ng Startalk. Wish Ko Lang na huwag kaming mag-overtime.

May live coverage ang Startalk sa gaganapin na misa kaya kahit papaano, malalaman ko ang mga mangyayari sa simbahan.

* * *

Nakakaloka ang mga kababayan natin. Bakit hindi na lang sila maging masaya na napanood si Kris Aquino at ang 26K Girls sa US version ng Deal or No Deal (DOND)?

Talagang may mga negative comment sila tungkol sa pag-apir ni Tetay sa Deal or No Deal. Kesyo nagmukha raw extra si Tetay at kung anik-anik pa!

To the rescue ang mga kababayan natin sa abroad na nakapanood sa Deal or No Deal at ito ang kanilang mga sey:

Mula kay VP: "'Yung mga friends kong Canadian dito ay nakapanood ng Deal or No Deal, nagustuhan nila ang pagho-host ni Kris at ipinagmalaki ko rin sa kanila ang Pilipinas pero nakakalungkot lang, mga kapwa pa natin Pinoy ang namimintas. Dapat nga, maging masaya pa tayo at nakita nila na maganda ang Philippines. "

Mula kay Ike: "Napanood ko ang DOND at ang masasabi ko, Kris's hosting style in DOND Philippines is better than Howie's.

"Kaya siguro para lang siyang ginawang decoration sa nasabing US episode, baka kasi masapawan niya si Howie. Akala ko co-host si Kris with equal exposure but it wasn't that way. Anyway I'm so proud of Kris. She did a good job, matinik talaga siya in hosting game shows. "

* * *

Handa raw magbayad ng isang milyong piso ang kampo ng singer-actor para maka-join siya sa concert ng sikat na singer-actress.

Well, i-give muna ng kampo ng singer-actor ang one million pesoses para maniwala ang kampo ng singer-actress na handa silang maglustay nang ganoon kalaki na salapi.

One million pesos is one million pesos. Bakit hindi na lang mag-prodyus ng sariling concert ang singer-actor para hindi lamang supporting role ang kanyang participation?

Source: The Philippine Star