Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris nagpa-dinner sa Kapamilya at Kapuso stars para kay Noynoy

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

AMINADO si Kris Aquino na nagkaroon sila ng get-together dinner para sa kanyang kapatid at 2010 presidentiable na si Senador Noynoy Aquino, kasama ang talents ng ABS-CBN at ilang artista ng Kapuso Network.

Ito raw, according to Kris, ay para magpasalamat ang pamilya Aquino sa mga nakiramay noon sa pagpanaw ng kanilang ina na si dating Presidente Cory Aquino.

Nagpapasalamat din si Kris na pinayagan ng Star Magic ang ilan sa kanilang mga artista na dumalo sa kanilang get-together.

May policy kasi ang ma-nagement ng Dos na wala itong ie-endorse na politiko sa kahit ano pa mang eleksiyon.

Ayon pa kay Kris, na-impress naman daw ang artista dahil lahat ng kanilang tanong ay sinagot nina Sen. Noynoy at running-mate na si Sen. Mar Roxas.

* * *

HINDI ikinaila ng Asia's Songbird Regine Velasquez na nagpapa-check-up siya sa isang kilalang ospital.

Dahil dito ay marami ang naghihinalang buntis ang singer kay Ogie Alcasid.

Sa interview ng Showbiz News Ngayon kamakailan kay Regine ay itinanggi niya ito.

Under medication daw siya para gamutin ang lumalala niyang migraine.

Paliwanag pa niya, kung hindi daw kasi maaagapan ang kanyang migraine ay puwede itong maging ser-yoso.

Kaya kapag nababalitang buntis siya ay idinadaan na lamang sa tawa at biro ni Regine at Ogie ang lahat.

* * *

SA October 29 na ang 1st PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music na gaganapin sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Ito ang unang pagkaka-taon na magbibigay ng para-ngal sa music ang PMPC.

Katuwang ng organisas-yon sa proyekto ang iba pang grupo ng mga mamamahayag, tulad ng National Press Club (NPC) at ang AFIMA (Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag).

Ang dalawang samahang ito ang magsisilbing producers ng show.

Hindi naman ito ang first time na magkakaroon ng kawanggawa ang naturang mga organisasyon, lalo na ang PMPC.

Every year, ang PMPC, sa pamamagitan ng mga parangal pang-aliwan (para sa pelikula at telebisyon) ay nagdudulot ng mahalagang ambag sa industriya.

Karagdagan dito ang para sa music industry, ang 1st Star Awards for Music.

Mahigit 15 categories nakalaan, kabilang ang pinakamataas na karangalang Lifetime Achievement Award na ibibigay sa grupong Apo Hiking Society nina Buboy Garovillo, Danny Javier, at Jim Paredes, pawang mga haligi ng music industry.

Sa panahong ito, marami sa ating mga kababayang Pi-lipino ang sadyang nanga-ngailangan ng tulong mula sa mga kaibigang binubuo nina NPC president Benny Antiporda, AFIMA presideny Jerry Yap at PMPC president Roldan Castro.

Nais ng mga itong maka-tulong sa mga nangangaila-ngang Pilipino sa idaraos na 1st Star Awards for Music.

Source: Taliba