Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris nagtatampo sa pamilya

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Kung tatakbong senador si Kris Aquino sa 2010 elections ay siguradong panalo siya.

Kung kami ang tatanu-ngin, mas magagampanan ni Kristeta ang paglilingkod kumpara sa kanyang Kuya Noynoy.

Si Kris ay matapang at walang paliguy-ligoy, unlike her brother na ang drama ay pag-iisipan pa kung tatakbo sa mas mataas na posisyon. At kung talino rin lang ang pag-uusapan, namana ni Kris ang talino ng amang si Ninoy Aquino.

We heard, nagtampo si Kris nang makarating sa kanya na may inililihim sa kanya ang mga kapamilya dahil sa pangamba na idal-dal niya ang mga "usapan" ng magkakapatid tungkol sa pagtakbo ni Noynoy.

Nasabi raw tuloy ni Kris na siya na lang ang tatakbong Pangulo or Bise Pre-sidente.

* * *

Hindi naniniwala si Jinkee na magkasama sa hotel sina Manny Pacquiao at Ara Mina tulad nang napapabalita.

Pagtatanggol ng misis ni Pacman sa sexy actress, ba-ka nagkataon lang na nandoon si Ara sa naturang ho-tel kung saan naglaro ng po-ker si Manny.

Hindi na ta-laga apektado si Jinkee kapag inili-link si Pacman sa sexy stars.

Sadyang lapitin daw kasi ang husband niya magmula nang sumikat sa boxing at binansagang Pambansang Kamao.

Samantala, nangako si Jinkee kay Kris Aquino na kapag nalaman niyang may kinalolokohang ibang babae si Manny ay kaagad siyang magpapa-interview sa show nito at tutuparin din daw ni Jinkee ang payo ni Kris na mag-imbestiga kung totoo o gawa-gawa lang ang naglabasang nagkita nga sa hotel sina Pacman at Ara.

Samantala, iginiit ni Ara na tigilan na ang pagli-link sa kanya kay Pacman dahil wala namang katotohanan ang lahat. Hindi na raw sila nagkikita ng Pambansang Kamao at ang posibilidad na magkita sila ay kapag igi-guest siya sa Show Me Da Manny, sitcom ni Pacman sa GMA7.

Teka, hindi kaya isa sa female cast ng Show Me. . ang nakitang kasama ni Pacman sa hotel? Baka pagkatapos ng taping ay nag-blow out si Manny sa mga kasamahan ng dinner at sa naturang hotel sila nagpunta?

Well, ang sigurado, maganda ang rating ng sitcom ni Pacman na inaabangan na tuwing Sunday sa dating timeslot ng Ful Haus ni Vic Sotto sa GMA7.

* * *

Ang trilogy movie na Pa-ngarap Kong Jackpot, produced ng mega-couple na Donna Villa at Direk Carlo Caparas, sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), ay base sa tunay na kuwento ng mga taong nanalo sa lotto.

Sigurado kami na sang-katutak ang makaka-relate sa istorya ng pelikula na pi-nagbibidahan nina Manny Pacquiao, Eddie Garcia, Jake Cuenca, Jackie Rice, magkapatid na sina CJ at Peach Caparas, at marami pang iba.

Star-studded ang movie na magkakaroon ng premiere sa Sept. 4 sa SM Megamall.

Posibleng ang Pangarap Kong Jackpot ang magsalba sa papalubog na local movie industry.

Ang isa pang pelikulang siguradong tatabo sa takilya at makatutulong sa pag-angat ng movie industry natin ay ang In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano at John Lloyd Cruz, na idinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema.

Napakaganda rin ng istorya ng IML na comeback movie ni Ate Vi.

Magkakaroon din ng pre-miere ang In My Life sa SM Megamall on Sept. 14 sa Li-pa, Batangas at Sept. 15 sa SM Megamall.

Source: Taliba