Dec 02
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kris, napaamin sina Ethel at Alex, JayR at Irish

ANG Wheel of Fortune host na si Kris Aquino lang pala ang makakapagpaamin kina JayR Siaboc at Irish Fullerton na sila'y exclusively for each other na. Napaamin din ni Kris sina Ethel Booba at Alex Crisano na mahal pa nila ang isa't isa with matching s...

 

Kris, napaamin sina Ethel at Alex, JayR at Irish

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

ANG Wheel of Fortune host na si Kris Aquino lang pala ang makakapagpaamin kina JayR Siaboc at Irish Fullerton na sila'y exclusively for each other na.

Napaamin din ni Kris sina Ethel Booba at Alex Crisano na mahal pa nila ang isa't isa with matching sing pa ang Ethel kay Alex ng something like "I can't live without you. "

Mukhang itong si Ethel ang dead na dead kay Alex. Ang laki-laki kasi ng. .. kamao ni Alex, tsuk!

* * *

Tipong tribute sa mga OFW caregiver ang episode ng Sharon bukas ng gabi dahil halos ang buong cast ng nasabing pelikulang palabas na sa May 28 ay guest ni Megastar.

Ito'y sina Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Jhong Hilario, Makisig Morales, Aaron Villaflor, John Estrada, John Manalo at Direk Chito Roño.

"Ang pinakahuling pelikulang nagawa ko ay ang Crying Ladies in 2003 pa! Matagal-tagal na rin mula nang gumawa ako ng bagong pelikula. Kaya, I'm happy to be back (uy, parang dialogue ni Gabby Concepcion, ha!) and to be doing one thing na miss na miss ko na. .. ang umarte sa pelikula!

"And after five years nga po, heto na ang aking pinakabagong pelikula, ang Caregiver!" intro ni Sharon Cuneta nu'ng taping last Monday.

Co-host niya bukas si Bayani Agbayani. Guest sana si Sen. Bong Revilla Jr. at makikipag-duet sana ito kay Mega ng awiting Pangako sa 'Yo. Kaso, na-cancel dahil nabago raw ang call time at hindi na mai-adjust ang appointment ng senador, ayon sa isang production staff ng Sharon.

Yezzzz, wala pong katotohanan ang tsikang inindiyan ni Sen. Bong si Sharon.

Talaga lang daw naging tight ang schedule nito nu'ng Monday, na nataon nga sa taping ng Sharon.

Anyway, with or without Sen. Bong, tuloy ang kasayahan, kantahan at tsikahan ngayong Linggo ng gabi sa Sharon, sa ABS-CBN Primetime Bida, tsuk!

* * *

Mabuti naman at sinunod ng dating PBB housemate na si Kian Kazemi ang payo namin ni katotong Chit Ramos na kung talagang type niya si Bea Alonzo, kumilos siya agad, lalo't balitang break na itong si Bea sa boyfriend na si Mico Palanca.

Ayun nga, pinadalhan na raw ng roses ni Kian ang dalaga at pati parents ng Kian, sinusuyo rin daw ang aktres.

Malamang, busugin pa ni Kian ng kebab o shawarma si Bea dahil may sariling resto business ang dating housemate.

Wish lang namin, makasali sa cast ng Betty La Fea ang binata para magkaroon sila ng bonding ni Bea.

* * *

Balitang may minura sa set ng Dyesebel si Marian Rivera. Eh, paano naman daw kasi, binastus-bastos ito ng isang lalaking wala 'atang magawa sa buhay.

Buti nga't minura lang siya ni Marian, 'noh! Kung kami 'yon, tinadyakan pa namin ang "balls" niya!

Ito namang detractors ni Marian, tira nang tira without getting the actress' side.

Hay naku, kahit ano pang intriga ang ipukol kay Marian, hindi matitinag sa pagiging number one ang Dyesebel.

Si Marian na nga ang bagong Nora Aunor o Superstar ng kanyang henerasyon wether some like it or not, tsuk!

Source: People's Tonight