|
|
| Kris, nililigawan si Dingdong para kay Noynoy!Author: Abante HINABOL talaga ni Perry Lansigan ang date na 09-09-09 para sa pag-o-open at blessing ng kanyang opisina, ang PPL Entertainment, Inc. Triple raw kasi ang suwerte ng 09-09-09. Ayon kay Perry, ginawa lang daw niyang formal ang lahat ngayon, pero for the past 13 years, si Perry na ang tumatayong manager ni Dingdong Dantes. Bukod kay Dingdong, alaga rin ni Perry sina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Angelika dela Cruz at ang baguhang si Carlo Gonzales. Sa mga alaga, si Dingdong lang ang hindi nakarating sa blessing dahil sobrang hassle nga naman kung apat na oras itong magbibiyahe galing sa taping sa Caliraya at babalik muli at magbibiyahe ulit ng 4 hours. Dumating naman si Geoff na naggaling sa taping ng Rosalinda. Present din ang mga executives ng GMA-7. Patunay na hindi totoo ang isyung pinagbabawalan si Perry ng network na mag-manage. Dumating din sa blessing sina Chris Cayzer, Gina Alajar, Gian Magdangal at Kris Aquino. Hindi alaga ni Perry si Kris, pero, pumunta ito sa blessing sa mismong araw ng 40th death anniversary ng kanyang ina. Ayon kay Kris, hindi raw siya nahihiyang aminin na nanliligaw siya sa talent manager para sa serbisyo ng alaga nitong si Dingdong na i-endorse ang kanyang kapatid sa pagka-Presidente. Unanimous choice raw nilang magkakapatid si Dingdong dahil ever since, very vocal si Dingdong sa admiration nito sa namayapang ama nila, ang bayaning si Sen. Ninoy Aquino. Source: Abante |