|
|
| Kris papalitan si Willie sa Wowowee?Author: Beth Gelena MULING bumagsak ang katawan ni Wowowee host Willie Revillame kung kaya wala ito sa kaniyang noontime show mula pa nu'ng Martes. Kasalukuyang nasa ospital na naman si Willie na ayon kay Kris (Aquino) na host ng Showbiz News Ngayon, The Buzz at Pinoy Bingo Night ay kailangan magpahinga nang husto dahil pneumonia ang dumale sa kaniya. Ayon kay Kris, siya na raw mismo ang nag-volunteer na pansamantalang pumalit kay Willie sa show habang kasalukuyang nagpapagaling ito. (Naku, Willie hindi kaya dumating ang araw na tuluyang mapunta kay Kristeta ang iyong noontime show? O paghahanda ito dahil tuluyan mo nang iiwan ang iyong programa para sa 2010 elections?) Na-over fatigue kasi ang Wowowee host dahil sa walang pahinga nu'ng nakaraang linggo. Tinupad kasi ni Willie ang pangakong Wowowee-lympics nu'ng Sabado na ginanap sa Araneta Coliseum na dadaluhan ng Star Magic talents. Siyempre pa, after ng Saturday edition ng Wowowee ay takbo sa Araneta ang buong grupo para naman maglaro ng basketball at volleyball na ang makakalaban ay ang mga talent artist ni Mr. M (Johnny Manahan). Walang pahinga, pagkatapos ng Wowowee-lympics, kinabukasan ay tumungo naman ng Baguio ang TV host para sa kaniyang commitment. Ang nangyari ay muling bumigay ang katawan ni Willie na hindi pa naman gaanong nakaka-recover sa tinamo niyang karamdaman ilang buwan na ang nakakaraan. Pansamantalang humalili sa Wowowee si Kris simula nu'ng Miyerkules. Tuwang-tuwa si Krizzy sa paghu-host ng pangtanghaling programa ng ABS-CBN. Du'n ay nakita ng TV host-actress kung paanong mahalin si Willie ng kaniyang mga tagahanga. Hindi maiwasang mapahanga ng co-hosts na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang dahil tunay raw na nakakatuwa ang TV host-actress lalo pa't game na game ito sa mga pakulo ng show para mapasaya ang buong mundo. Given the fact na may pagkasosyal ang dating ni Kris, tunay raw na ikinagulat nilang lahat nang makipagsabayan ito ng sayawan at kantahan sa kanila. "'Nagpromise ako kay Willie sasayaw ako, paliwanag ni Kris sa hindi inaasahang pagpapakitang-gilas nito sa paggiling. Isa raw ito sa mga bilin sa kanya ni Willie, na kahit may sakit na'y patuloy pa rin ang pag-iisip sa kasiyahan ng mga manunuod. Hindi na rin naman daw nakatanggi si Kris sa nasabing hiling dahil sabi na nga rin niya'y isa ito sa mga nae-enjoy ng mga anak niya sa panunuod ng nasabing show. Hindi na rin niya maiwasang maging proud sa sarili matapos ito dahil ayon sa kanya ay nagawa niya nang maayos ang nasabing stunt sa kabila ng pangungutya ng asawa niyang si James Yap na hindi niya ito gagawin. Sabi nga ni Kris sa kaniyang daily journal text, "Now I understand why Willie gets sick often, exhausting talaga mag-host ng Wowowee. Iba 'yung energy na hinihingi. " Ayon pa sa TV host-actress, namaos siya nang husto, pero masaya ito dahil ipinagluto daw siya ni Pokwang at nakapag-uwi pa siya ng inihaw na liempo at ng favorite niyang chicken sopas. Source: People's Tonight |