Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris, wala nang duda sa kakayahan niya!

Kris, wala nang duda sa kakayahan niya!

Author: Ruel Mendoza

Kabilang na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa mga inaabangan na loveteams ngayon dahil certified top-rater ang sinenobela nilang Dapat Ka Bang Mahalin?.

Kahit hindi pa natatapos ang naturang series ay pinag-iisipan na ng bagong project ang dalawa dahil sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga tagahanga.

Sey ng mga taga-GMA, impressed sila sa ratings ng DKBM dahil bihirang mag-rate ng gano'n kataas ang isang series na mga baguhan ang nagbibida.

Nagpapasalamat sila sa malaking tulong ng director nina Aljur at Kris na si Maryo J. de los Reyes dahil nagawa nitong dramatic stars ang dalawa.

Syempre, malaki rin ang tulong ng pagsuporta nina Ara Mina at Carlo Aquino.

Nang tanungin si Kris Bernal kung handa na ba siya sa mas matitinding drama projects na darating sa kanya after ng DKBM, sey niya ay sapat na ang nakuha niyang pointers sa director nilang si Direk Maryo.

“Simple lang ang kaya kong gawin. Pero noong madirek ako ni Direk Maryo, iba siya. Marami akong natu­tunan sa kanya.

“Kailangan, may pag­huhugutan kang malalim para makuha mo ang emos­yon. At first, nahirapan ako, pero ngayon, parang ang dali na.

“Hindi ko na pinagdududahan ang kakayanan ko sa drama ngayon,” sey ni Kris.

Si Aljur ang bagong bini-build up bilang lea­ding man ng GMA-7. Marami ang nagsasabi na bagay siyang i-partner sa baguhang si Carla Abellana sa pagbibidahan nitong primetime soap drama na Rosalinda. Bagay kay Aljur ang role na Fernando Jose.

Lahad ni Aljur, “Kung ano ang ibigay sa akin ng GMA-7, 'yun ang gagawin ko. Gusto kong magkaroon pa kami ni Kris ng isa pang soap drama na kami ulit ang magbibida. Ayokong maghihiwalay kami agad.

“Malaki ang nagawa para sa amin ng DKBM. 'Yung mga nagdududa na hindi namin kaya, naging challenge sa amin iyon ni Kris. Ipinakita namin na kaya namin.”
***

This Sunday sa All Star K! The P1,000,000 Vi­deoke Challenge, maghaharap ang mga celebrities kina Allan K at Jaya gamit ang mga tunay nilang pa­ngalan.

Ang mga celebrities na ito ay sina Mohan Gumatay a.k.a. DJ Mo, Jervy Dano a.k.a. Patani, Stephann Andrei Anlocotan a.k.a. Prince Stefan, Rhizza Ann Simbulan a.k.a. Ryza Cenon, Cello Nuñez a.k.a. Miss Ganda, Ramona Cellis Muñoz a.k.a. Arci Muñoz, Rina Marie Poturnak a.k.a. Ina Raymundo.

Source: Abante