Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kris-Aljur, gustong mag-honeymoon sa Bohol Sino ang biggest kimidora ng bansa?

Kris-Aljur, gustong mag-honeymoon sa Bohol Sino ang biggest kimidora ng bansa?

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

YOU can fool some of the people some of the time. But...you cannot fool the people all the time!

Standard procedure na sa Star Cinema na pag may movie sila na sho­wing, it doesn't matter kung ano ang signal mula sa walang pag-asa whe­ther aaraw o uulan, ba­bagyo at babaha -- so much the better for business?

Ang Kimmy Dora ay rated 'A' ng Cinema Eva­luation Board, samantalang ang “In My Life” ay rated 'B' lang. Ibig sabihin mas maganda ang movie ni Eugene Do­mingo kesa sa gay movie ni Vilma Santos! And yet, bakit mas milya-milya sa layo ng kinita ni gobernadora ang kinita ng Kimmy Dora?

Sino kaya ang biggest and greatest kimidora ng bansa?

Sa first day sho­wing daw ng “In My Life” ay kumita ito ng....hold your breath...tumatagin­ting na P20 milyon! Yes, mas malakas pa kesa alinmang foreign films na ipi­nalabas sa bansa, kabilang na ang mas popular gay movie ng Hollywood na “Brokeback Mountain” ang opening day gross ng “In My Life” (I have been a great liar!) ay tinalo ang lahat ng opening day gross ng alinmang Star Cinema movie starred in by Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Maricel Soriano, down to Bea Alonzo, Kris Aquino, Ai Ai delas Alas and Sarah Geronimo! Ano ito, milagro ng Birhen ng Peñafrancia? Anong klaseng himala ang nangyari Ate Guy?

“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng mga bakla!” Ha! Ha! Ha! Ha!

Tuwina, ang ipinakikita naman ay ang mga nanood sa premiere night.

Natural, maraming cu­rious na makakita ng mga artistang dadalo sa premiere night, pero hindi naman manonood.

At ang mga naglalabasan kuno sa pinto ng sinehan ay mga taong nabigyan ng passes para makapanood ng libre at magsalita sa harap ng mikropono ng TV camera ng saksakan ng gandang mga salita para magarantiya ang mukha eh maibabalandra sa TV screen!

Subukan niyo ngang pintasan ang gay mo­vie, tingnan natin kung makikita niyo ang bolero niyong sarili.

Sa panahon ng recession around the world, nakakapagtakang tanging ang Pilipinas lang, particularly ang mga Pinoy, ang nakapagtabi ng salapi para lang mapanood ang pagbabalik-pelikula ng isang has-been like Vilma Santos na ang last movie sa Star Cinema 6 or 7 years ago ay flop naman sa MMFFP.

Anong “dekada” ba 'yun? Kumita ba 'yung “Mano Po” ni Vilma sa Regal Films? Alam niyo naman si Mother Lily, very transparent produ­cer 'yan. Bukambibig niya ang artista niya pag kumita ang pelikula niya. Pag tahimik lang 'yan, she wants to forget the star!

P20 milyon on a Wed­nesday? Diyos ko, lumabo po sana ang mga mata ng mga sinungaling!
***

Ang magagandang lu­gar sa Bohol na tulad ng Chocolate Hills, Panglao beach, Baclayon Church, Loboc River, Hermontagon Hills, Bee Farm, Tarsier Sanctuary, Tagbilaran Pier, Café Lawis, Maribojoc Mangroove Plan­tation, Hinagdanan Cave, at manmade forest in Loay, ang pinagsyuti­ngan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ng pelikula nilang Nandito Ako...Nagmamahala Sa'Yo.

At dahil sa magagan­dang lugar na `yon, na-in love ang dalawa. Aba, nakatulong daw ang mga lugar na `yon para mag-iba ang tingin nila sa isa't isa, ha!

Naku, type nga raw nila na sa Bohol mag-ho­neymoon, kung sakaling sila ang magkatulu­yan, `no!

Well, kung ipalalabas na ang movie nila, magtatapos naman ngayon ang All My Life nila sa TV. Siyempre, sa ending ay mangingibabaw ang pag-ibig sa pagitan nina Aljur at Kris.

Pinanindigan nga ni Jules (Aljur) ang pangako niya na gagawin niya ang lahat makuha lang ang babaeng mahal niya, si Romina (Kris), mula kay Perry (Paulo Avelino).

Pero, hindi na nga kailangang agawin pa, dahil si Perry na mismo ang nagdesisyon na ipaubaya na si Romina kay Jules.

Ang tanong, makara­ting kaya si Jules sa engagement nila ni Romina?

Source: Abante