|
|
| Kris-Aljur teleserye, napuno ng tensiyon! Marian, pararangalan ni Mother Lily!![]() Author: Jun Nardo BIBIGYAN ni Mother Lily ng blow out-birthday party si Marian Rivera ilang araw bago sumapit ang August 12 birthday ng bagong Darna ng telebisyon. Naging loyal kasi ang aktres sa Regal producer kahit na nga kaliwa't kanan ang projects nito. Katatapos lang ni Marian ng pelikulang Tarot with Dennis Trillo. Ito ang next anniversary offering ng Regal this August na birthday month din ng Regal producer. Of course, bago ang horror movie ni Marian, ang Oh, My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid ang handog ng Regal next week. And for a change, sa Cinema 7 ng Trinoma ang premiere ng movie sa Monday. Sa guesting nga pala ni Regine Velasquez sa OMG, nag-iisip ang Regal producer kung anong klaseng mamahaling bag ang ireregalo niya sa Songbird dahil sa hindi nito pagpapabayad sa guesting niya sa movie. Siyanga pala, bukas, Sunday sa Showbiz Central, mapapanood nang live si Juday sa segment na Story of My Life. Ikukuwento niya ang hirap na kanyang pinagdaanan mula nang pasukin niya ang showbiz sa murang edad. Babalik na rin si Pia Guanio mula sa bakasyon sa Bangkok. Isasalang naman si Heart Evangelista sa Don't Lie To Me at may interview kay Jose Manalo tungkol sa demanda nilang mag-asawa. Wala nang problema sa title ng Kris Bernal-Aljur Abrenica movie na I'll Be Waiting For You, ayon kay Roselle Monteverde Teo, nang makausap namin sa Wednesday Club. Ayon sa unang lumabas na balita, may mga naniningil daw ng mahal sa title ng pelikula kaya binalak palitan itong muli for the nth time. Ang unang title nito ay Nandito Ako...Umiibig Sa 'Yo na pinalitan ng Love Of My Life. May umangal sa title na Love Of My Life at nag-settle sa I'll Be Waiting For You at nagkaroon uli ng problema. Naayos na raw ang problema ayon kay Roselle, so final na talaga 'yon. Pero ano itong nabalitaan naming nagkaroon daw ng tensiyon sa taping ng TV series nina Kris at Aljur na All My Life? May sigawang naganap, pero check pa namin kung sinu-sinong artista ang involved sa kaguluhang 'yon, huh! Oo nga pala, abangan din ang pagpapseksi ni Paulo Avelino sa mga susunod na episodes ng AML. Kahit hindi pa ganoon kaganda ang katawan ni Paulo, napapayag siyang magpapiktoryal nang hubad at conservative na swimming trunks, huh! At least, walang arte sa pagpapaseksi si Paulo! Magkakaroon ng part 2 ang Eat Bulaga Caravan/Kaserola ng Kabayanan sa susunod na buwan. Siyempre pa, ang mga probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao na hindi napuntahan ng Bulaga Dabarkads ang maaambunan ng mga biyayang bigay ng programa. Ang mga target na probinsiya ng Bulaga sa part 2 ng 30th anniversary offering ng show ay ang Baguio, Leyte at Butuan. Next week talaga ang 30th anniversary ng Bulaga pero sa November na raw gagawin ang malaking pakulo para sa loyal viewers nila. Wala pa ring kakabog kay Richard Gutierrez bilang Primetime King at ebidensiya nito ang consistent top sa ratings ng teleserye niyang Zorro. Kaya naman si Tita Annabelle Rama, abot-langit ang ngiti sa blessings na tinatanggap ng kanyang anak, huh! So bilang sukli sa magandang ratings ng Zorro, naghanda ng blow-out/victory party ang GMA para sa cast, staff and crew ng number one show sa primetime. Malapit na ring magtapos ang Zorro and everybody's looking forward sa next project ng aktor, ang local version ng Full House. Hopefully, ilalantad na nila ang magiging leading lady ni Chard sa bago nitong project. Hubo't hubad pala kung matulog ang isang magaling na aktor kapag nalalasing ito the night before. Wala raw itong pakialam kung nakabuyangyang man ang kanyang itinatago at makita ng sinuman, huh! Napatunayan ito ng isang staff nang minsang pasukin niya sa kuwarto ang aktor para gisingin at maghanda sa shooting. Eh, babae ang staff so, walang malisya ito nang datnan niyang hubo't hubad ang aktor sa kama at naka-land of the morning (nakatayo!) ang sandata nito. Ginising pa rin ng staff ang aktor at nang magising, sukat ba naman daw bigla itong nagpaligaya sa sarili niya! Sa halip na ma-shock, sinigawan ng staff ang aktor na tigilan ang ginagawa at bumangon na! Hindi nga lang sinabi ng staff kung daks o dyutay ba ang aktor dahil 'yung paggising sa aktor ang nasa utak niya. “Naku, sanay na akong makakita ng iba't ibang sizes ng nota, kaya wala akong pakialam na silipin 'yon! Ang importante, magising siya't makarating sa set dahil wala kaming eksenang nakunan sa kanya nu'ng isang araw dahil sa kalasingan niya, 'no?” mataray na sabi ng staff. Source: Abante |