Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Krissa Mae imbyerna kay Polo Ravales

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

MUKHANG totoo na may hidwaang nagaganap between Polo Ravales at Krissa Mae, dahil nang ma-kausap namin si Krissa Mae sa bakuran ng GMA-7 ay very cold at walang kalatuy-latoy ang sagot ni-ya sa mga tanong namin about Polo. Tsika ni Krissa Mae, ayaw na raw niyang pag-usapan pa si Polo. Ibang bagay na lang daw ang gawing topic namin.

Ayaw din nitong magsalita pa tungkol sa luma-labas na isyung kaya siya imbyerna kay Polo ay dahil sa laging pagpapalibre nito sa kanya ng pampagas everytime na sasabay siya sa sasakyan ng young actor 'pag may taping ng Ga-gambino. Pati nga raw pambayad sa driver ay kay Krissa Mae pa rin iniaatang ni Polo. Kaya naman daw super-turn off ang Gobi-Girl sa 'ex' ni Jean Garcia.

"Ay naku, ayaw ko nang mag-comment diyan. Quiet na lang ako. Bahala na lang kayong alamin ang totoo, basta ang masasabi ko lang, magtatrabaho na lang ako nang maayos at dedma na lang sa mga tsismis na lumalabas tungkol sa akin at kay Polo.

"Basta ayoko nang pag-usapan pa siya. Hindi na kasi kami nag- uusap at lalong hindi na kami mas-yadong nagkikita," wika ni Krissa Mae na halatang may itinatagong sama ng loob.

Kaya naman daw lately, sa taping ng Gagambi-no ay marami ang nakaka-pansin na hindi nagpapansinan sina Krissa Mae at Polo. 'Di tulad ng dati na super-tsika ang mga ito sa isa`t isa at sweet na magka-sama. Hindi na rin daw sumasabay si Krissa Mae sa sasakyan ng young actor at mas gusto nitong mag-solo na lang sa pag-uwi.

* * *

ISA sa mga gustong mapanood ng kalalakihan sa 2008 Metro Manila Film Festival ay ang Wowowee host at 2008 Best Variety Female Host na si Valerie Concepcion. Kahit kasi may anak na ay napapanatili pa rin niya ang magandang hubog ng katawan. Bukod pa sa malasutla niyang kutis at magandang mukha.

Marami ang nag-aabang ng mga seksing eksena ni Valerie at baka raw may sumungaw na malulusog na boobs.

Pero, ayon kay Valerie nang makausap namin, sexy co-medy ang kani-lang pelikula at pampamilya kaya naman light sexy lang ang ginawa nila at walang flesh na makikita.

"Wala namang nagpa-kita ng boobs sa movie kasi ayaw ni Direk Joey na ma-R-18 ang movie namin. Gusto ng producer na PG-13 lang kami para makapanood ang mga bagets.

"Kahit wala naman akong pinakitang boobs ay bumawi ako sa facial expression ko at mga galaw. At saka effect ang role ko dahil may pagkacomedy," wika ni Valerie.

Wala rin daw katotohanan na type na type niya ang kanyang leadingmen sa nasa-bing pelikula na si Jon Avila, dahil natutuwa lang daw siya sa actor at wala rin daw katotohanan na nakikipag 'triangle' siya kina Rufa Mae at Jon Avila. Ang totoo raw si Rufa Mae ang crush ng binata.

"Nakakatawa naman yan, hindi naman ako naki-kipagkumpetensiya kay Rufa Mae. Natutuwa lang ako kay Jon dahil mabait siya at napaka-game. Wala akong ilusyon na maging boyfriend siya. Kanyang-kanya na si Jon!

"Mas priority ko nga-yon ang work at hindi ang lovelife," saad pa ng dalaga.

* * *

AYAW na raw patulan ni Jennylyn Mercado ang intrigang hindi naman siya ang first choice, at second choice lang siya sa role na kanyang ginagampanan sa One Night Only.

Ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang trabaho at nagampanan niya ito nang maganda.

"Hindi naman isyu sa akin kung first choice or second choice lang ako. Ang mahalaga kasi, sa akin napunta 'yong trabaho. "

Kahit third choice nga raw si Jennylyn ay walang problema sa kanya.

* * *

BLOOM ang title ng se-cond album ng young star at LaLola mainstay na si Lovi Poe under BMG re-cords kung saan naglalaman ito ng sure hit songs at magagandang awitin.

Ang Bloom album ni Lovi ay available sa leading record bars. At part ng promotion para sa nasabing al-bum ay lilibot si Lovi sa SM Muntinlupa sa Jan. 4, 2009; SM Marikina, Jan. 10; at SM Clark . Jan. 11.

Source: Taliba