|
|
| Krissa Mae napilitang makipag-kissing scene kay Polo RavalesAuthor: John Fontanilla SA wakas ay nakausap na namin ang beauty queen-host at isa sa stars ng Darna na si Krissa Mae tungkol sa controversial kissing scene sa TV with ex-boyfriend niyang si Polo Ravales. Wala naman daw problema kay Krissa Mae kung magkaroon man siya ng kis-sing scene. Pero nagulat daw siya dahil ang magiging first screen kiss pala niya ay ang kanyang ex-BF na si Polo Ravales. Akala pa raw niya ay simpleng halikan lang ang gagawin nila ni Polo, pero medyo torrid daw at hini-hingi iyon sa eksena, kaya naman daw no choice siya kundi gawin 'yon. Hindi lang daw niya nagustuhan ang pagbuka ng bibig ni Polo habang hinahalikan siya. Mabuti na lang daw at take one lang, dahil kung iti-take two pa, hindi na siya papayag. Kahit medyo asiwa, maganda naman daw ang kinalabasan ng kissing scene nila ni Polo. May mga nagsasabi nga raw na bonggang-bongga ang na-sabing eksena dahil parang totoong-totoong halikan ang naganap. * * * MAS malayo na nga ang na-rarating ng StarStruck batch 1 avenger na si Cristine Re-yes kesa sa mga nakapanabayan niya sa reality search na ito. Bukod sa pagbibida sa shows sa ABS-CBN ay mabenta siyang leading lady sa pelikula. Siya ang leading lady ni Richard Gutierrez sa Patient X at ni Vic Sotto sa Darling Kong Aswang. Kaya naman tuwang-tuwa si Cristine Reyes dahil natupad ang pangarap niyang makapareha sina Ri-chard at bosing Vic. Hindi daw big deal kay Cristine kung second choice lang siya kay Heart sa Patient X dahil ang mahalaga daw ay sa kanya napunta ito at nakatrabaho niya si Richard. * * * NAGING matagumpay ang 1st leg ng mall tour ng Star Award for Music no-minee for Best New Male Recording Ar-tist na si J More na gi-nanap sa Ever Commonwealth last Sept. 19. Punumpuno ang nasabing venue ng mga taong gustong makitang mag-perform ang la-king Australia, pero may pusong Pinoy na mang-aa-wit. Abangan pa si J More sa lahat ng Ever Gotesco malls para sa isang mini-concerts para sa promotion ng kanyang self-titled album under LDG productions, distri-buted by Galaxy Record at sa kanyang guestings sa iba`t ibang TV shows at radio prog-rams. * * * WALA raw sa bokabolaryo ni Yasmien Kurdi ang salitang insecurity sa mga ba-guhang artista ngayon ng GMA7 like Kris Bernal, na namamayagpag ang career sa telebisyon at pelikula. Pagkatapos ng very successful na All My Life, may movie naman ngayon si Kris titled Nandito Ako. .. Nagmamahal Sa'Yo with Aljur Abrenica under Regal Films. Ayon kay Yasmien, kung ano raw ang tagumpay ng kapwa niya Kapuso ay tagumpay na rin niya dahil nasa iisang network lang sila. Dumating naman daw sa showbiz career ni Yasmien -- telebisyon, pelikula, recording, product endorsements -- ang maraming tra-baho. At kahit na ang trono niya noon sa Kapuso network bilang Afternoon Te-leserye Princess ay ibinigay na kay Kris Bernal, 'di raw siya nagdaramdam at lalong hindi nagagalit. Wala raw problema ito kay Yasmien. Aniya pa, hindi naman daw talaga niya inaasahan na forever ay siya ang may ha-wak ng nasabing title. Nakapagpahinga pa nga raw siya at nakapag-focus sa pag-aaral sa New Era College. At 'di naman daw siya nawawalan ng offers, pero pinipili na lang niya. Sa ngayon daw ay mas priority ni Yasmien ang ma-kapagtapos ng pag-aaral pa-ra raw maipagpatuloy niya ang kanyang masteral sa London. Dream daw kasi ni-ya na magkaroon ng Masteral Degree sa ibang bansa. Source: Taliba |