Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kristine Hermosa ipinagtanggol ng production team

Author: Vinia Vivar

Ipinagtanggol ng production team ng Dahil May Isang Ikaw si Kristine Hermosa sa sunud-sunod na intrigang kinasasang-kutan nito lately. Nakausap namin si Mico del Rosario of Star TV na nagsabing taliwas daw sa katotohanan ang lahat ng mga negatibong naglala-basan.

Unang nilinaw ni Mico ang tungkol sa isyung pasaway daw ang aktres at sakit ng ulo sa taping ng serye. Aniya ay never daw silang nagkaproblema kay Kristine when it comes to work at very satisfied daw ang management sa trabaho ng kanilang leading lady.

'Yung nasulat na nag-walk-out daw si Chin-Chin Gutierrez dahil hindi raw maka-deliver ng linya si Kristine ay wala rin daw katotohanan at hindi nila alam kung saan nanggaling.

"Definitely, walang ganun'g nangyari. In fairness to Kristine, happy kami sa performance niya talaga," say ni Mico.

May nasulat ding tsutsugihin na raw si Kristine dahil sa problemang ibinibigay sa management and again, ayon kay Mico ay wala itong katotohanan.

"Sobrang untrue naman 'yun. Unang-una, kasisimula pa lang namin, bakit naman kami magpapalit ng bida? At sa history ng ABS-CBN, never pa naming ginawa na magpalit ng bida sa teleserye, except for Angelica dela Cruz noon sa Prinsesa ng Banyera but that was because, she transferred to GMA-7.

"Pero in almost all cases, hindi kami talaga nagpapalit ng bida, kaya imposible talagang matsugi si Kristine," paliwanag pa ni Mico.

Du'n naman sa blind item na si Kristine din ang tinutukoy, na diumano ay pinaghintay ang cast sa taping at nakikipag-badminton lang pala kay Oyo Sotto, paliwanag ni Mico, paano mangyayari 'yun gayung hindi raw mahilig sa sports ang aktres.

"Hindi nagba-badminton si Kristine and she's not into any kind of sports talaga, kaya nakakatawa na lang talaga ang mga naglalabasang balita," paliwanag pa ni Mico.

May palagay sila na may smear campaign for Kristine para i-down ito pero hindi naman daw sila papayag na mangyari iyon lalo na kung wala naman daw talagang katotohanan.

Aware naman ang Star TV sa mga bali-balita noon pa na may attitude problem si Kristine pero ayon kay Mico, so far ay hindi pa naman daw nila nakikita 'yun sa aktres.

* * *

Ngayong Biyernes (October 2) na nakatakdang magtapos ang horror serye na Florinda starring Maricel Soriano at sa pagtapak nito sa huling linggo, isang kagimbal-gimbal na rebelasyon ang inyong matutunghayan.

Sa pagtatapos nito, susundan ni Florinda (Maricel) si Criselda (Cherry Pie) kung saan daldalhin siya nito sa isang secret door. Sa kanyang pagpasok, madidiskubre ni Florinda ang isang hindi inaasahang rebelasyon. Makikita niya na buhay pala si Ramil (Jay Manalo) na inakala niyang pumanaw na noon pa.

We'd like to think na happy ending naman ang Florinda at magkakatuluyan din ang dalawang karakter (Florinda and Ramil) na matagal na nagdusa.

* * *

Ang afternoon series naman na Kambal sa Uma na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks ay nagkaroon na ng last-taping day. Matatandaang dalawang beses na ring na-extend ang nasabing serye dahil sa mataas na ratings na natatanggap nito.

But just the same, sa last taping day ay hindi pa rin maiwasang maiyak ng buong cast.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na matatapos na kami. Siguro pag nagpack-up na kami sa last taping day, malulungkot at maiiyak talaga ako," pahayag ni Melissa sa isang panayam pagkatapos niyang sumalang sa isa sa mga huling eksena sa Kambal Sa Uma.

"Nakakalungkot talaga. Kasi siyempre halos araw-araw na rin kami magkakasama. .. sa puyatan. .. sa pagod," kuwento ni Shaina.

Sa mga susunod na tagpo, iisipin ni Celeste (Gina Alajar) na mapapa-ikot niya sa kanyang mga palad sina Ella (Melissa Ricks), Milagros (Rio Locsin) at Vira (Shaina Magdayao).

Ngunit sasablay ang kanyang mga balak sa oras na may magblackmail sa kanya habang nagbaban-tang ilalabas nito ang katotohanan na si Celesta ang pumatay kay Fernan (Bing Davao).

'Pag nalaman na ni Celeste kung sino ang nagbabanta sa kanya, haharapin nito ang isang malaking sorpresa. At sa kanyang pagkatuklas, ang kanyang pamilya ay mawa-wasak.

Source: People's Tonight