|
|
| Kristine Hermosa nakatali pa rin kay DietherColumn: Footloose Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin malaya ang bida ng Prinsesa ng Banyera sa kanyang relasyon sa dating ka-loveteam na si Diether Ocampo? Tila hanggang ngayon ay paikut-ikot pa rin ang is-yu tungkol sa kanila at parang wala pa sa kanila ang nagmu-move on. Sa isang panayam, si Kris-tine na rin mismo ang nagsabi na hindi sila nagkabalikan ni Diet, pero sa ngayon ay nanliligaw daw ulit ang aktor at si-nusubukan nilang ayusin ang mga naging problema noon. Pero, hindi alam ni Kristine kung ano ang patutu-nguhan ng development na ito sa kanilang relasyon. Talagang palaisipan sa marami ang lovelife ni Kristine. Kung habang- buhay ba siyang ma-giging bilanggo ng pag-ibig niya kay Diet, walang nakakaalam. Samantala, nananatili naman si-ya sa rehas sa kanyang pagganap bilang Ma-ningning sa lalong umiinit na mga tagpo sa daytime teleserye ng ABS, ang Prin-sesa ng Banyera. Umaasa sina Eric (TJ Trinidad) at Maningning na si Victor (Oyo Sotto) ang magiging daan para mailantad ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Daphne. Napapanood ang Prinse-sa ng Banyera tuwing ha-pon, Lunes hanggang Biyer-nes. * * * HINDI naging madali para sa production staff ng Maging Sino Ka Man at sa mga direktor nito na 'patayin' ang cha-racter ni Celine played by Anne Curtis sa naturang soap opera. Ilang araw pa lang bago kunan ang naturang scene kung saan babawian na ng bu-hay si Anne sa tabing dagat kasama si Sam Milby ay lungkot na lung-kot na ang staff. Mami-miss daw nila nang todo si Anne. Masarap daw kasi itong katrabaho at hindi nagbibigay ng problema sa set. Noong Biyernes ipinalabas ang pama-maalam ni Anne sa MSKM. Hindi ito ginawang heavy drama. Very light lang ang eksena, pero may kurot sa puso. Kaya sa mga nagi-expect na makita si Anne tonight sa MSKM, sorry na lang. Tapos na ang role ni Ce-line sa soap. Nagbabu na siya nung Biyernes, huh! Source: Taliba |