| | Kristine Hermosa says she was hurt to see Diether Ocampo move on Author: Bernie Franco Hindi itinanggi ni Kristine Hermosa sa The Buzz kahapon (Abril 5)na masakit para sa kanya ang makitang naka-move on na ang dating boyfriend na si Diether Ocampo. "Hindi ko madi-deny na yes, oo naman, painful," maikli niyang sagot. Sa muling pagtibok ng puso ni Diet sa non-showbiz girl na si Rima Lorza Ostwani, binura nito ang anumang posibilidad na muling magbabalikan sina Diet at Kristine. Aminado rin ang bida ng upcoming soap series na Gumising Ka, Maruja na hindi maitatangging sobrang in-love talaga ngayon si Diet. "Kitang-kita ko naman. Magbubulag-bulagan pa ba ako, di ba?" sagot ni Kristine. At sa pagkakakilala niya sa aktor, alam niyang seryoso ito kay Rima. "Kilala ko naman si Diet. Hindi naman siya magi-introduce ng someone if hindi totoo ang nararamdaman niya sa tao. If sa kanya na mismo nanggaling na past na ako sa kanya parang ano pa ang reason ko para mag-hold on o mag-cling sa idea na hindi (pa siya naka-move on). Parang ito na siguro yung... it's really time for me to move on. 'Yun talagang gumising ka na," sabi ng aktres. Sa kabila nito, inamin ni Kristine na maraming beses nilang sinubukan ni Diet na isalba ang kanilang relasyon nung sila pa subalit sinabing may mga bagay siguro na hindi maaaring ipilit. "Ang tagal din namin talaga sinave 'yung relationship but talagang ganoon yata talaga if it's not meant." Pero kahit magkahiwalay na ang kanilang landas inamin ni Kristine na hindi niya makakalimutan si Diet na minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay. "Isang malaking, malaking parte siya ng buhay ko at hindi naman siya mawawala sa puso ko talaga," wika ng aktres. Let Kristine know that you love her. Text KRISTINE ON to 2366 to get her daily text journals on your mobile phone. Available to Philippine residents only. Source: ABS-CBN Interactive |
|