Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kristine, iniyakan si Diether!

Author: Nel Alejandrino
Column: Tattle

KABILANG si Kristine Hermosa sa mga sumakay sa ambulansiya nang agarang isugod sa ospital si Diether Ocampo dahil nagkaroon ito ng seizure habang nagre-rehearse kasama ang iba pang Star Magic talents for their show sa Ontario, California.

Iyak nga raw nang iyak si Kristine, na 'di kataka-taka. After all, malalim ang pinagsamahan nila ni Diet.

'Di nga ba at kailan lang napabalitang na-annul na ang kanilang kasal?

Hindi na nakasali sa show ng grupo si Diether noong June 27 sa Ontario.

We doubt if he was also able to join the group sa kanilang performance sa San Francisco (also in California) the following day.

He reportedly had to undergo a series of tests, na gaya nga ng isinulat ng katotong Vinia Vivar, ay okay naman ang naging resulta.

However, we were told na Kristine was able to perform in both shows.

Did we also hear it right na nag-collapse rin si Kitkat sa loob ng banyo ng hotel na kanilang tinitigilan?

Hers, though, was a mild case lang allegedly due to overfatigue.

In any case, mabuti na lang daw at hindi niya naisara ang pinto ng banyo. Kaya nang mawalan siya ng malay, natawag-pansin ang kanyang kasamahan sa room.

* * *

It's obvious that Lady Luck is on Shaina Magdayao's side these days. Aba, kumbaga sa weather, inuulan siya ng trabaho.

Hindi pa man natatapos ang series niyang Kambal sa Uma with Melissa Ricks, heto at may series na naman siyang nakatakdang gawin.

Siya ang napiling mag-play support to Angelica Panganiban sa launching series nito, ang Rubi.

Just asking: Is this the same role na diumano'y nakatakda sanang gawin ni Cristine Reyes, kung hindi lang ito nag-decide na huwag nang mag-renew ng contract sa ABS-CBN?

As we all know, Shaina is in the cast of the horror flick, Villa Estrella, which will open bukas (July 1) in 100 theaters nationwide.

Directed by Rico Ilarde and produced by Star Cinema, Villa Estrella also stars Maja Salvador, Geoff Eigenmann and Jake Cuenca.

As for her lovelife, nakakainggit ang pagmamahal na isina-shower sa kanya ng boyfriend of two years na si John Prats.

Do you know na willing siya to wait for 10 years bago sila magpakasal?

Ayon kay Shaina, she will get married at age 28. Eh, 18 pa lamang siya ngayon.

At heto ang 'pinaka,' wika nga. The Prats family is willing to welcome her anytime she is ready.

* * *

Tuwang-tuwa ang senior actress na si Perla Bautista at finally ay naipalabas na ang seryeng The Wedding.

Kasali pala siya sa series at ginagampanan niya ang papel bilang yaya ni Anne Curtis.

First time raw niyang makatrabaho, hindi lang si Anne, kung hindi ang lahat halos ng young members ng cast, tulad nina Derek Ramsay at Zanjoe Marudo.

Tulad ni Anne, ani Perla, the two boys (referring to Derek at Zanjoe) are darlings to work with.

Impressed daw siya, lalo na sa directors na sina Jeffrey Jeturian at Mae Cruz.

She has heard a lot about them at wala raw siyang itulak-kabigin sa dalawa.

In The Wedding, Perla says she plays an old maid who, at 60something, ay naghu-hope pa ring babalikan ng dating boyfriend at tutuparin ang pangakong pakakasalan siya.

Natupad ba naman ang pangarap niyang ito? Pinakasalan ba siya ng kanyang boyfriend?

"Hoy, hindi ako ang bida sa The Wedding, kung hindi sina Anne, Derek at Zanjoe. Pero, natutuwa ako na kasali ako rito," pahayag ni Perla.

* * *

WE also learned from Perla na contrary to speculations, nagte-taping si Eula Valdez for The Wedding.

"Knowing how professional Eula is, I doubt kung hindi niya tatapusin ang commitment niya. Besides, napakaganda ng role niya. Hindi lang siya basta nanay ni Anne rito. May sarili siyang moment, kumbaga. " Eula last appeared in GMA-7's All About Eve.

* * *

Personal: Our condolences to colleague and friend Letty Celi, whose husband, Rene Reyes, died of acute emphysema yesterday, June 29.

Rene's remains lie in state at the family residence at Block 20, Lot 18, Phase 3, Golden City, Sta. Rosa, Laguna.

Aside from Letty, Rene left behind two children, Jenny and Boogie, and his beloeved apos, Jenjen and Jepoy.

Interment will be announced later.

Source: People's Tonight