Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kristine, isasailalim sa clinical treatment

Nagpadala ng text message ang lady lawyer na si Joji Alonso kaugnay ng latest development ng aksidenteng kinasangkutan ni Kristine Hermosa last Sunday. Si Atty. Alonso pala ang humahawak ng kaso with her associate, Atty. Lani Barcenas. Ayon sa text m...

 

Kristine, isasailalim sa clinical treatment

Author: Vinia Vivar

Nagpadala ng text message ang lady lawyer na si Joji Alonso kaugnay ng latest development ng aksidenteng kinasangkutan ni Kristine Hermosa last Sunday.

Si Atty. Alonso pala ang humahawak ng kaso with her associate, Atty. Lani Barcenas.

Ayon sa text message, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng nasawing nakilalang si "Junior," 15, sa driver ni Kristine matapos magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga ito at ng nanay ng young actress kasama ang mga legal counsel as well as the insurance representatives.

"Police reports revealed that Kristine's driver was not at fault as it was the motorbike that attempted to overtake a tricycle when it hit Kristine's SUV (Hyundai Santa Fe) instead.

"Despite this, Kristine and her family readily volunteered to extend assistance to the families of the two motorists," saad pa ng mensahe.

Ang nasabing aksidente ay naganap noong Linggo sa Maragondon, Cavite, habang sakay si Kristine ng SUV na minamaneho ng driver niyang si Francisco Manarang.

Nabatid na kagagaling lang ng young actress sa shooting ng Enteng Kabisote 3 sa Puerto Azul at pabalik na ng Maynila nang aksidententg mabunggo ng driver ang pulang motorsiklo na minamaneho ni Junior.

Ayon sa report, agad nasawi ang binatilyo habang ang backrider namang si Maricel de Guzman ay isinugod sa Naic Hospital at kasalukuyang under treatment.

It is also said that Kristine is under state of shock hanggang sa kasalukuyan at hindi makausap mula nang mangyari ang aksidente.

May trauma raw ang young actress at sasailalim sa clinical treatment.

Samantala, ang boyfriend ni Kristine na si Diether Ocampo ay kasalukuyang nasa Los Angeles nang mangyari ang aksidente, pero agad namang nakarating sa kanya ang naganap.

"I'm in L. A. I already sent some of my friends and contacts to assist in the situation with the help of our managers to make sure that everything will be settled properly and I'm so sad to hear what had happened to the victims. I offered them prayers and also to Tin who's still very emotional about what just happened," text message ni Diet sa isang kasamahan sa hanapbuhay.

* * *

Dahil kapapanalo lang mula sa laban kay Marco Antonio Barrera, ang ating Pambansang Kamao ang mapapanood ngayong gabi sa The Ricky Lo Exclusives.

Bukod kay Pacman, mapapanood din sina Iwa Motto, Ryan Yllana at Sheree ng Viva Hot Babes to let us know kung handa na ba silang sumagupa sa laban. Kung ano'ng laban ito, malalaman sa show ngayong gabi.

Abangan din si Aga Muhlach sa isang panayam sa host na si Ricky Lo. Guest din si Lotlot de Leon, na nahaharap sa laban ng ibang tao.

Titled 'Di Pa Tapos ang Laban, abangan ang mga explosive and exclusive interview sa The Ricky Lo Exclusives tonight at 8:30 sa QTV-11.

* * *

Sa presscon para sa bagong episode ng Love Spell titled Cindy Rella, pinagtatambalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu last Monday night, naitanong sa young actor kung ano ang reaksyon niya na siya ang worst actor at most plastic young actor para kay Snooky Serna.

Diumano, sinabi ito ni Snooky sa radio program ni Mo Twister two weeks ago, kasabay ng "rape" revelation niya.

"Naku po, ngayon ko lang nalaman 'yan. 'Di ba pagkatapos ng intriga sa amin ni Direk Bobot nalaman din natin na hindi totoo. 'Yun nga po ang iniiwasan ko kaya hindi ko alam kung paano nangyari ito," inisyal na reaksyon ni Gerald.

Gayunman, nirerespeto raw niya ang sinabi ni Snooky. Pero tungkol sa pagiging plastik, never pa raw ipinakilala ito sa kanya kaya hindi niya alam kung paano siya nasabihan ng ganu'n.

"Aaminin ko po, sobrang mahiyain po ako. Hindi po ako lalapit talaga hangga't hindi ipinakilala sa akin. I mean, 'yun ang puwedeng sabihing plastik. 'Yung bineso mo, tapos hindi mo kilala, 'di ba? Pero hindi ko talaga nakita . Hindi rin kami nagkatrabaho. Hindi ko talaga alam. "

Hiningan si Gerald ng mensahe para kay Snooky at ito naman ang sinabi ng young actor: "Ms. Snooky, sorry po kung may nagawa man akong mali sa inyo, pero hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Sorry kung meron man akong masamang ginawa, pero wala talaga akong matandaan.

"Tinanong ko nga ang mga kasama ko kung nakasama ba namin si Ms. Snooky ever, dinaanan ko ba? Wala naman daw. Alam ko po magaling na magaling na artista po kayo. Kung worst actor, wala na po akong magagawa. Hindi pa po ako isang Piolo Pascual o isang Aga Muhlach. "

Samantala, magsisimula na sa October 14 ang bagong episode ng Love Spell nina Gerald at Kim.

Source: People's Tonight