|
|
| Kristine, karay-karay ni Oyo sa 'Dobol Trobol' preem![]() Author: Nitz Miralles NAKAKUHA na ang Octo-Arts Films ng ipapalit kina Angelica Panganiban at Roxanne Guinoo na pinul-out ng Star Magic sa One Night Only. Kung 'di uli mapapalitan, sina Diana Zubiri at Iya Villania na ang makakasama ni Katrina Halili sa entry ng Octo sa Metro Manila Film Festival. Hindi pa namin naitanong kung sino kina Diana at Iya ang papalit sa role na dapat ginampanan nina Angelica at Roxanne. Si Valerie Concepcion, kasama pa rin daw sa movie at pati si Joross Gamboa dahil talent sila ni Becky Aguila. Hinahanap pa ang papalit sa role na intended for Diether Ocampo na dapat kasama rin sa movie. Sa presscon at contract signing ni Katrina, nilinaw na ni Direk Joey Reyes na hindi lang ang actress ang bida sa movie at lahat ng major cast ay bida. Nagbigay din ito ng assurance na walang madedehado sa 24 cast members, dahil lahat ay importante ang partisipasyon. * * * ISYUNG pullout pa rin, kasusulat lang namin kahapon na kasama si JC de Vera sa cast ng Sundo ng GMA Films, nang may magbalita sa amin na hindi na siya ka-join sa cast ng horror movie. Pinul-out ang actor dahil sa conflict sa schedule ng taping ng Obra sa sisimulang shooting ng Shake, Rattle & Roll X at busy din ito sa promo ng Loving You. Si JC sana ang kapareha ni Rhian Ramos sa nabanggit na pelikula at promo na rin sa La Lola ng GMA-7 na kanilang pagtatambalan. In fact, uma-attend siya sa story conference ng Sundo at excited dahil makakasama niya si Robin Padilla. Na-consider si Jason Abalos na ipalit kay JC, pero hindi kakayanin ng kanyang schedule at may taping pa ito ng Eva Fonda sa ABS-CBN. Ang nakuhang kapalit ni JC at kapalit ni Jason ay si Hero Angeles and this Thursday na ang first shooting day nito sa Subic. Comeback movie ito ni Hero, na last napanood sa indie movie na Stockroom. Pero nauna na siyang nag-comeback sa TV via Dyesebel, kung saan masungit na kapatid ni Aljur Abrenica ang role niya. * * * NAG-ENJOY kami sa Dobol Trobol: Get Redi 2 Rambol sa mga nakakatuwang eksena at napatunayan ni Dolphy na wala pa rin siyang kupas pagdating sa comedy. Of course, hindi nagpahuli si Vic Sotto sa mga hirit nito at nagpakita rin ng husay sina Jose Manalo at Wally Bayola pati ang ibang cast, umarte at napatawa kami. Hindi kami makapaniwalang papayag si Dolphy sa eksena sa banyo at si Vic ay magkakamot ng singit. Nabitin lang ang tao sa butt scene ni Vic at si Dolphy lang ang nakakita. Maganda ang script at direksyon ni Tony Reyes, ibang-iba sa past works niya. Effective ang ginamit na special effects at ang "very now" dialogue, gaya ng "chorva" at "chenes" na pina-deliver kay Dolphy sa movie. Cute ang dating na sa edad niyang 'yon, nagsasalita pa siya ng mga ganu'n. Kuwela rin ang dating ng Brazilian model at Eat Bulaga talent na si Diana. Bukod sa baluktot na pananagalog, magpipista ang moviegoers sa kaseksihan niya at ni Riza Santos, promise! Nangangamoy part two ang movie at tiyak na panonoorin pa rin 'yun kapag nangyari. Ilan sa nakita naming nanood ng premiere night sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, Susan Roces, Marichu Maceda, Tito Sotto, Joey de Leon, Sheryl Cruz, Mother Lily Monteverde, Roselle Teo, Direk Mark Reyes, Bobby Andrews and wife Biehn. Kasama ni Dolphy si Zsa Zsa Padilla at ka-date ni Vic si Pia Guanio. * * * LATE si Chris Tiu sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA-7, kung saan host siya ng Ripley's Believe It or Not na magpa-pilot na sa Monday, August 18. Mabuti at hinintay pa rin ng press ang star athlete at team captain ng Blue Eagles. Madi-disappoint lang ang fans ni Chris na naghihintay na mapanood siya sa movie dahil wala itong planong mag-artista. Sa basketball, studies and hosting lang siya excited. "No plans, no plans. Hosting lang talaga ako. Parang hindi ko makita ang sarili ko na nag-aartista. I also have to finish my studies," pahayag ni Chris. Tapos na ng Business Management sa Ateneo si Chris at malapit na ring mag-graduate ng second course niyang Applied Math & Finance minor in Chinese Studies. Flexible raw ang schedule niya sa Ateneo at sa basketball, kaya puwede siya sa TV. Okey sa kanya ang sabi ng press na he is the next Paolo Bediones pagdating sa hosting, lalo't Atenean din si Paolo. Para ngang na-excite itong mag-host ng beauty pageant. * * * SA Ako Si Kim Samsoon, may kissing scene na naman sina Cyrus (Mark Anthony Fernandez) at Samsoon at nangyari ito pagkatapos sabihin ng binata na totohanin na nila ang kanilang relasyon. In-assure nito si Samsoon na wala na sila ni Hannah (Nadine Samonte). Nag-decide naman si Hannah na ipagtapat kay Cyrus ang real reason kung bakit siya biglang umalis, mabawi lang ang binata kay Samsoon. Sinabi nitong nagkasakit siya ng cancer, kaya iniwan niya noon si Cyrus. * * * SA Dyesebel, pagseselosan ni Fredo si Erebus (Alfred Vargas) nang makita itong kasama ni Dyesebel. Kasunod nito ang kanyang desisyon na ipagtapat kay Cassandra na hindi niya ito mahal. Hindi naman tuluyang makakaiwas kay Fredo si Dyesebel dahil magkikita sila sa ibinigay na party ni Donya Guada (Nanette Inventor). Si Paolo (Aljur Abrenica) nama'y nakahanap na ng trabaho at magtitiis kahit mahirap basta magkasama lang sila ni Shiela Mae (Kris Bernal). Matutuwa ang binata sa nakikitang pagbabago sa dalaga. Sa Sirenea, pagmamalupitan ni Dyangga (Mylene Dizon) si Bukanding (Paolo Ballesteros). Source: People's Tonight |