Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kristine may anak kay Diether?

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga intrigero't intrigera ang bitbit na mestiso at guwapong bata ni Kristine Hermosa na kahawig daw ni Diether Ocampo.

Kaya hayun, binigyan kaagad ng malisya na kes-yo anak daw 'yun ni Diet kay Kristine.

Para naman doon sa mga nagmamahal sa actress, pakiusap nila na huwag naman daw lag-yan ng malisya na porke may nakita lang kargang bata si Kristine ay sasabihin agad na anak ito ni Kristine at ang ama ay si Diet.

Kung totoo na may bata nga na nakatira sa bahay ni Kristine, maaaring adopted child ito ng actress o anak ng close friend o kaya ay kapamilya ng aktres.

Anyway, malabo nang magkabalikan sina Diet at Kristine dahil isinasama at ipinagmamalaki na ni Diet ang kanyang bagong love.

Si Kristine naman ay may Oyo Boy Sotto na rin ngayon na handang maghintay makamit lang ang matamis na "oo" ng magandang actress.

* * *

Dinedma ni John Lloyd Cruz ang hamon ng mother ni Ruffa Gutierrez na kung talagang mahal daw ng actor ang anak ay aminin nito at hindi 'yung tahimik lang ito.

Ayaw ni Annabelle Rama na lumabas na kept-woman ang kanyang pinakamamahal at nag-iisang anak na babae.

Pero deadma si Lloydie sa hamon ni Annabelle dahil magkaibigan lang daw sila ni Ruffa at hindi raw totoo na nagkita at nag-date sila ni Ruffa sa yate ni Willie Revillame.

Magse-celebrate ng kaarawan si Lloydie pero ayaw niyang magpa-party or mag-celebrate dahil sa kinasangkutang intriga.

Malungkot ang actor kahit na may birthday celebration na inihahanda para sa kanya ang noontime show sa Dos.

Mas gusto pa raw ng actor na huwag nang mag-celebrate at palipasin na lang ito.

Tungkol naman sa tsikang magkikita sila ni Ruffa sa America kung saan nakatakda siyang pumunta kasama ang iba pang Star Magic artist.

"Kasama ko po ang mga kasamahan ko sa Star Magic sa Tate. Hindi ko alam na papunta rin pala doon si Ruffa. Trabaho ang punta na-ming taga-Star Magic at hindi para magkita kami roon," sagot ni Lloydie

* * *

Hindi naitago nina Maja Salvador at Shaina Magdayao na may pressure sa kanila ang Villa Estrella dahil lahat ng horror movie ng Star Cinema ay blockbuster sa takil-ya.

Sabi ng dalawang star ng VE, nangangamba sila na baka hindi maabot ng lakas sa takilya ang movie nila ang mga na-ging blockbuster horror film ng Star Cinema.

Kaya naman lahat ng iutos ng kanilang director ay sinusunod para lumabas na makakatotohanan ang bawat eksena.

Alam nina Maja at Shaina na oras na hindi mag-klik sa takilya ang movie ay siguradong sila ang apektado.

Pero dahil sa talagang ginastusan ng Star Cinema ang pelikula ay mawawala ang agam-agam ng lead star dahil humanga at napapalakpak ang entertainment press na nakapanood sa trailer pa lang ng movie sa presscon kamakailan.

* * *

May pangamba si Marian Rivera na baka maka-limutan na siya nang tuluyan dahil sa July pa magsisimulang mag-ta-ping ng Darna.

Dagdag naman ng mga intrigera't intrigero, da-pat lang daw kabahan si Marian dahil inagaw nito si Dingdong Dantes kay Karylle.

Baka 'yun din daw ang dahilan kaya 'di masabi ng dalawa na sila na at baka lalo lang tumamlay ang kanilang showbiz career.

Ngayon kasi ay open na sina Marian at Dingdong sa kanilang relas-yon kahit walang pag-amin,

Katwiran nga ni Marian, hindi na raw kaila-ngan umamin pa sila.

Anyway, sana nga ay hindi makaapekto sa showbiz career nina Dong at Marian ang kanilang pagmamahalan.

* * *

Sa pag-atras ni Senador Panfilo Lacson sa pagtakbong Pangulo sa 2010 elections ay marami ang nagsaya at mayroon din namang nalungkot.

Kung totoo na pagka-Bise Presidente na lang ang tatakbuhin ni Sen. Ping ay sigurado ang panalo niya.

Ang mga makakalaban niya sa naturang posis-yon ay siguradong mate-threaten.

Sinuman sa mga ito ang magsasabi na hindi sila natatakot sa pagkandidati ni Sen. Lacson sa pagka-VP ay nagsisinu-ngaling.

Source: Taliba