|
|
| Kristine nag-iinarte pa rin kahit 'di na sikat![]() Column: Rated A Gaano katotoo ang balitang nakarating sa amin na nag-iinarte umano ang aktres na si Kristine Hermosa kaya maging ang mabait na director ng afternoon TV series na Prinsesa ng Banyera na si Andoy Ranay ay napuno na umano sa aktres at gusto na nitong mag-quit bilang director sa nasabing serye? Ang balitang attitude problem ni Kristine ay hindi na bago sa aming pandinig dahil matagal-tagal na panahon na namin itong naririnig. Dapat isipin ni Kristine na hindi na siya kasing init ngayon kumpara Dapat ding isipin ni Kristine na ang kabataan, kasikatan at kagandahan ay lumilipas pero kapag ang isang tao ay may angking talino, masigasig, professional at marunong makisama at makipag-kapwa-tao, puwede siyang magtagal sa industriyang kanyang ginagawalan. * * * Unknown to many, ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes ang nakapagbigay kay Aga Muhlach ng kanyang kauna-unahang best actor trophy (mula sa Metro Manila Film Festival) para sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal na pinagtambalan nila ni Lea Salonga sa ilalim ng OctoArts Films at acting debut naman ni Ariel Rivera kung saan naman siya nanalong Best Supporting Actor nung 1992. Magmula At home na sina Aga at direk Joey bilang magkatrabaho at magkaibigan pero napapanatili ang respeto nila para sa isa't isa pagdating sa kanilang respective craft. First time naman ni Anne na makatrabaho si direk Joey pero hindi siya nahirapang mag-adjust dahil napakagaan na direktor nito bukod pa siyempre sa pagiging magaling at mabilis nitong magtrabaho. Para kay Anne, dream project niya ang When Love Begins dahil natupad ang kanyang pangarap noon na makatrabaho at makatambal si Aga sa pelikula na siyang pangarap ng mga kabataang aktres tulad niya. * * * Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na tinanggihan umano ng aktor na si Luis Alandy ang muling pagganap ng gay role sa Manay Po 2: Overload na una niyang ginampanan sa hit comedy movie na Manay Po ng Regal Films na dinirek ng seasoned and award-winning director na si Joel Lamangan? Dahil sa pagtanggi ni Luis, ang role na sana'y para sa kanya ay napunta kay Sid Lucero na isang revelation sa Overload. Nagkaroon ng bagong twist ang Overload sa pagpasok ng character ni Rufa Mae Quinto bilang isang baby maker. Tampok pa rin sa nasabing pelikula sina Cherry Pie Picache, John Prats, Polo Ravales, Jiro Manio, Christian Vasquez kasama sina Mike Tan, Marco Alcaraz, Giselle Sanchez, Paolo Rivero, Rubirubi, IC Mendoza, Charles Christianson, Alex Castro (na malaki ang hawig kay Dennis Trillo), Andrea Torres, EJ Jallorina at iba pa. Ito'y mula sa panulat ni Dinno Erece at matutunghayan sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, Abril 16. * * * Hindi naiwasan ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na maging emotional nang malaman nilang buntis ang kanilang ikatlong anak si Inah Revilla dahil ang pangarap nila sa kanilang panganay na anak na babae na ito'y makapagtapos ng kanyang pag-aaral at ma-enjoy nito ang kanyang buhay-dalaga bago ito lumagay sa tahimik. Pero hindi ito nasunod dahil sa edad na 18 ay lalagay na ito sa tahimik dahil kasalukuyang mag-aapat na buwan na ang dinadala ni Inah sa kanyang sinapupunan. Ang kaniyang boyfriend and soon-to-be husband na si Vince del Rosario ay anak ng close friend ni Sen. Bong, ang negosyanteng si George del Rosario. Dahil nariyan na iyan, walang magawa sina Sen. Bong at Lani kundi ibigay ang suporta sa kanilang anak at sa magiging asawa nitong si Vince. Disi-otso rin Although hindi pinagsisisihan ni Lani ang maaga niyang pag-aasawa kay Bong, gusto Kung may isang apo na sina Sen. Bong at Lani (kay Jolo sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano), madadagdagan naman ang kanilang apo bago magtapos ang taong kasalukuyan courtesy of Inah making Bong and Lani young grandparents of two. * * * Alam na ng lahat na isa nang certified Kapamilya ang dating Kapuso young actress na si Cristine Reyes at matutuloy na rin sa wakas ang paglu-launch sa kanya sa movie remake for television ng Eva Fonda, 16 na naging launching vehicle noon ni Alma Moreno. Matagal nang pangarap ni Cristine na magbida ng sarili niyang sineserye at ito'y maisasakatuparan sa bago niyang home studio. Lumipat man si Cristine ng bagong home studio, hindi naman daw niya kinakalimutan na ang GMA 7 ang unang nagbigay sa kanya ng break at mananatili ang kanyang pagtanaw ng utang na loob sa GMA kahit lumipat na siya ng TV network. * * * Nagkita na rin finally ang mag-amang Gabby at KC Concepcion at ito'y nangyari nung nakaraang Miyerkules kung saan parehong nasa loob ng ELJ Bldg. ang mag-ama pero nasa magkaibang floors. Nang malaman ni KC na naroon din sa same building ang kanyang ama, siya na mismo ang pumunta kay Gabby na talagang nasorpresa. Teary-eyed umano ang mag-ama nang ito'y muling magkita at halatang sabik sila sa isa't isa. Dahil Kapamilya rin ang megastar na si Sharon Cuneta, hindi kataka-takang magkita rin ang dating mag-asawa. Samantala, marami ang nagsa-suggest na i-guest ni * * * E-mail: a_amoyo@pimsi. net Source: The Philippine Star |