Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Kristine patuloy sa pagde-deny kay Oyo

Sinubukan ng ilang members ng entertainment press (mula sa PMPC at ng ilang piling manunulat) ang bagong laro sa Wowowee na Merigalo, Yes or No. Bagama't walang nagwagi sa amin dahil mahirap ang mga tanong, it was worth the experience naman, ika nga! ...

 

Kristine patuloy sa pagde-deny kay Oyo

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

Sinubukan ng ilang members ng entertainment press (mula sa PMPC at ng ilang piling manunulat) ang bagong laro sa Wowowee na Merigalo, Yes or No.

Bagama't walang nagwagi sa amin dahil mahirap ang mga tanong, it was worth the experience naman, ika nga!

Sinabi ni Willie Revillame na nagpasya na rin silang tanggalin ang Wilyonaryo at palitan ng mga bagong game portions na mas madali, ng sa ganoon ay matigil na rin daw ang mga haka-haka ng tao.

Tinanong si Papie tungkol sa sinabi umano ni Joey de Leon na malas daw ang ginawa nila sa Wilyonaryo, dapat ay hindi binago ang salitang mil-yonaryo?

Agad namang sinagot ito ni Willie na, " Walang malas. Diyos lang ang may gawa ng buhay natin at sa Kanya lang tayo dapat manalig," cool pang sabi ni Papie.

Marami rin ang nakapuna sa pagbati ni Willie kay Joey nu'ng kaarawan ng TV host sa kabilang istasyon. Sinabi ni Willie, sinsero raw siya sa pagbati niyang 'yun kay Joey at hangad din daw niya ang maganda para sa naka-alitang TV host.

Hangga't maari, ayaw na ni Willie na may sina-sabing nakikipagkumpetensiya siya. Dahil ni minsan daw ay hindi siya nakipag-kumpitensya, at naniniwala siyang in life we just have to do our best.

Sabi pa ni Willie, lagi nga raw niyang pinapa-alala sa staff nila na sa bawat palabas ay mahalagang gawin nila ang best nila.

Ayon pa kay Papie, marami na raw siyang nakitang shows na lumipas at nagtapos na sa ere kaya mas maganda talaga kung sa bawat performance ay gawin ang lahat kasi hindi raw natin alam, it might be our last.

O, di ba, may words of wisdom pa mula kay Papie?

Sa sobrang busy ni Papie ngayon, may sex life pa ba siya? Siyempre, curious ang fans, noh?

Aba, wala na raw sabi ni Willie! "Sa sobrang pagka-busy ko, hindi ko na naiisip ang bagay na 'yan," natawang sabi pa ni Papie.

Pero aminado siyang he lives a lonely life.

At para malabanan ang lungkot, ano ang ginagawa niya?

"I count my blessings. 'Yung lonely life ko, pag gabi lang naman 'yon. Ha-ha-ha!" wika pa nito.

* * *
Usap-usapan ngayon na diumano'y may tampo si Jennylyn Mercado sa manager niyang si Ms. Becky Aguila.

Hmmn, true nga kaya ito?

Ayon sa balita, hindi na raw kasi inaasikaso ni Tita Becky si Jen at ang batang aktres na lang ang gumagawa ng mga desiyon niya para sa sarili kahit may manager pa siya. Parang sariling diskarte ang drama?

Nagseselos na kaya si Jen kay Angel Locsin at ngayon lang niya ito ipinaparamdam?

Nakausap namin si Tita Becky at sinabi niyang hindi totoong pinapabayaan na niya si Jen. Naroon pa rin daw ang komunikasyon nila ng alaga niya although aminado ang manager na hindi ganoon ka-regular ang kanilang pagkikita.

Nilinaw ni Tita Becky na nagku-co-manage pa rin daw siya kay Jen with GMA Artist Center at naroon pa rin ang respeto sa kanya nu'ng bagets bilang mana-ger.
Hindi raw niya masisisi si Jen kung magkaroon man ito ng konting hinaing minsan dahil alam niyang nahihirapan na rin daw ito.

Well, hangga't walang closure (ito ang aming magic word) sa nangyaring gap between Ms. Becky and GMA 7, patuloy na mawiwindang si Jen kung kanino sa dalawa siya tutungo. Ganyan lagi ang eksena.

* * *
Isa pang laman ng blind items at mga intriga ay itong si Kristine Hermosa. Hindi na natapus-tapos ang mga chika tungkol sa aktres, huh? Matagal nang iniuugnay ang pangalang Oyo Sotto kay Tintin pero as usual, super deny sila.

Na kesyo they're just friends at kuning-kuning na friendly date lang daw ang ginagawa nila.

Come to think of it, mukhang tama nga ang obserbasyon ng karamihan kay Tintin. Hindi kaya front lang niya ang emote tungkol kay Diether Ocampo para masabing naroon pa rin ang love nila at hindi nasayang ang pagpapakasal nila noon?

But what's the point kung may iba naman pala siyang mahal at gustong makasama, di ba?

Well, kahit kami ay naguguluhan na rin sa kanya, huh!

Source: Taliba