|
|
| Kristine-Diet `cool off' na namanAuthor: Vinia Vivar Magulo na naman ang linya ni Kristine Hermosa kahapon sa presscon ng Prinsesa ng Banyera kung ano ang status nila ngayon ni Diether Ocampo. Singing a different tune na naman ang magandang aktres samantalang kailan lang ay smooth na smooth ang relasyon nila. Ngayon, parang cool-off na naman sila base na rin sa mga dialogue ni Kristine. Aniya, medyo distansiya muna sila sa isa't isa ni Diet dahil may goal silang pareho sa buhay. Ayaw nang mag-elaborate masyado ni Tin sa relasyon nila ni Diet, pero parang nanghihinayang siya nang sabihing kung kailan pa napapalapit na ang boyfriend-husband sa pamilya niya, saka pa nagkaganito. Nahihilo na talaga kami sa relasyong Diet-Tin sa paiba-iba nilang deklarasyon, kaya mas mabuti pa nga sigurong mag-concentrate na lang muna sila sa kani-kanilang trabaho. Magsisimula na ang Prinsesa ng Banyera sa October 8 sa Noontime Drama ng Dos mula sa direksyon ni Andoy Ranay at kasama rin dito sina Angelika dela Cruz, TJ Trinidad, Rafael Rosel, Lyka Ugarte, Jaclyn Jose, Chokoleit at marami pang iba. * * * Aniya, hindi siya ang tumanggi, kundi ang Backroom, Inc. ni Boy Abunda, na siyang nagma-manage ng kanyang career. "'Yung una kasing offer nu'n, 'yung parang sa Sana'y Wala nang Wakas, hindi talaga kontrabida, parang babaing bakla ba, parang comedy. "Okay naman sa akin maging kontrabida, pero natatakot lang ako na ma-typecast. Kasi 'pag na-typecast ako, wala na, ang hirap nang kumawala. Kaya as much as possible, ngayon, kahit gusto ko 'yung maraming trabaho, hindi ko lahat tinatanggap kasi ayokong ma-typecast talaga," aniya. Dito sa Prinsesa ng Banyera, hindi siya kontrabida. "Hindi siya black character tulad ni Lavinia (role niya sa Bituing Walang Ningning) na nang-aapi. Hindi nang-aapi 'yung karakter ko rito," she said. Pinatotohanan naman ito ni Kristine by saying na hindi niya kontrabida si Angelika, kundi pareho silang bida. Naitanong din namin kay Angelika kung totoo ang tsismis na lilipat na naman siya sa GMA-7 at aniya, huwag na muna itong pag-usapan dahil nasa Dos pa siya ngayon. "Ayoko muna kasing magsalita nang tapos. Nandito ako sa bakuran ng Dos at ayoko namang maging bastos na nandito ako tapos 'yun ang pinag-uusapan," aniya. Pero nang tanungin namin siya kung totoong hindi siya happy sa ABS-CBN dahil sa roles na naibibigay sa kanya, ang kanyang sagot, "Hindi ako happy, kasi puro kontrabida roles ang inu-offer sa akin. I mean, wala namang masama kasi nagustuhan nila ang performance ko sa Bituing Walang Ningning, kaya lang, 'pag kasi nakipag-usap na ako na I want to rest from that, ayoko ng 'yun at 'yun lang, kasi sayang, eh. "Actually, mas challenging ang maging kontrabida. Ayoko lang talagang ma-typecast. Kasi Tita, gusto ko pang kumanta, marami pa akong gustong gawin. Sana naman, mabigyan ako ng chance. " Tungkol naman sa working relationship nila ni Tin, wala aw problema kahit pa sabihing pareho silang naging ex-girlfriend ni Jericho Rosales. "Hindi naman po ito ang first time na nagkasama kami dahil nagkatrabaho na kami before sa Sana'y Wala Nang Wakas," she said. Nagsu-show din daw sila sa ibang bansa na magkasama. About Jericho, friends daw sila at kapag nagkikita ay nagbabatian. Wala na nga lang silang constant communication, pero wala rin silang issue. Happy raw siya sa lovelife niya with her non-showbiz boyfriend, pero wala pa silang marriage plans. Source: People's Tonight |