Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kristine-Sam-Toni starrer, 'di big ang kita sa takilya

Author: Eric Morales

HINDI raw maganda ang naging resulta sa box-office ng pelikulang My Big Love nina Kristine Hermosa, Sam Milby at Toni Gonzaga.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, kumikita naman ang movie, pero hindi gaya sa inaasahan ng Star Cinema.

Siguro raw, ayaw ng fans ni Sam na papangitin at patabain siya sa big screen. Mas gusto nila kung cutie-cute ito't matinee idol o heartthrob ang dating.

* * *

NAGKAROON ng mini-concert ang dalawang dating vocalists ng bandang South Border na sina Luke Mejares at Duncan Ramos sa Metro Bar nu'ng Huwebes ng gabi.

Doon namin napatunayang marami pa ring fans ang dalawa, na kinanta ang mga napasikat na awitin ng SB kasabay ang mga manonood.

Nagkaroon din ng participation sa show sina Chokoleit, Edu Manzano at Rufa Mae Quinto, na kikay na kikay sa pag-awit kasama si Luke.

Matatandaang si Duncan ang minsang nakarelasyon ni Rufa Mae. Bakit kaya hindi sila ang pinagsama sa stage?

Speaking of Duncan, sa Amerika na pala ito naka-base at umuwi lang ng 'Pinas para sa show na prinodyus nina Jodi Santamaria at Jobert Sucaldito.

* * *

IN fairness, maganda ang kinalabasan ng paglipat ni Valerie Concepcion sa ABS-CBN. Bukod sa regular show, madalas din siyang mag-guest sa iba't ibang programa ng Kapamilya network.

Ngayon naman, endorser na siya ng Slenda, isang natural food supplement na nagpapakaganda raw ng katawan.

Matagal na raw itong iniinom ni Valerie. Pero, sinuri muna niya ito sa Internet bago i-take. Kaya naman pala ang ganda-ganda ng katawan ni Valerie kahit may anak na siya.

Sa press launching nu'ng isang gabi, kasa-kasama ni Valerie ang manager na si Becky Aguila. Nang batiin at sabihan ang huli ng isang entertainment editor na kontrobersyal siya, sagot ni Becky, "Ewan ko ba, magpakita ka o hindi, may masasabi pa rin. Quiet na lang tayo. Hahaha!"

'Yun nga ang maganda kay Becky. Lagi siyang nasa likod ng mga alaga kesehodang maintriga siya, 'di ba, Mel at Noel. 'Yun na!

* * *

NGAYONG Sabado, sasakupin ng Pinoy Records ang langit, lupa, tubig at apoy kasama ang hosts na sina Manny Pacquiao at Chris Tiu.

Ang champion surfer na si Daisy Valdez ang tampok sa Idol ng Bayan segment. Tatalunin naman ng skydiver na si Martin Imatong ang mahigit 10,000 feet sa Todo Mo Na.

Ang StarStruck Survivors namang sina Rich Asuncion at Arci Muñoz, maka-survive kaya sa Ring of Fire challenge ng Sikat on the Spot?

Makarating naman kaya sa tuktok ng Mt. Pico de Loro ang astig at pinakabatang mountain climber na si Ihra Cantiga? Abangan 'yan sa Astig ni Kid.

Umabot naman sa dalawang milyong bulaklak ang idinispley sa Panagbenga Festival, kaya ito ang tampok sa Iba ang Pinoy!

Abangan nga rin pala ang pagpapatuloy ng exclusive update at countdown sa laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Las Vegas sa March 16.

Source: People's Tonight