|
|
| Kuh Ledesma, naimbyerna sa Celebrity Duets![]() Author: Aster Amoyo Nag-deny na si Biboy Ramirez na siya ang ama ng ipinagbubuntis daw ng sinasabing girlfriend niya, ang ultimate winner ng StarStruck 3 ng GMA-7, si Jackie Rice. Unang-una, hindi raw totoong buntis si Jackie at may communications daw naman sila nito kahit hindi sila madalas nagkikita. Nasa Olongapo raw kasi si Jackie at siya naman ay nasa Manila. Pumupunta raw lamang ng Manila si Jackie kapag may TV guesting ito tulad noong nag-guest ito sa Maynila. * * * Totoo bang nainis daw si Kuh Ledesma nang matalo si Wyngard Tracy na siya ang ka-duet two Saturdays ago sa Celebrity Duets? Kung alam daw lamang niyang by text votes ang pananalo roon, sana raw ay hindi na lamang siya pumayag na makipag-duet kay Wyngard. Hindi kaya siya nasabihan bago siya pumayag makipag-duet kay Wyngard? * * * Nakikiusap ang StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott sa mga fans na iboto siya as Miss Internetworld. Hindi nga raw ito normal beauty contest, kundi ang panalo niya, sa pamamagitan ng text votes. Siya ang representative ngayon ng Philippines na unang pinanalunan ni Carlene Aguilar, at kalaban niya ay representatives ng 135 countries around the world. Sasamantalahin nga raw niya na may mall shows at radio tour sila ngayon to promote their youth-oriented show sa GMA-7, ang Boys Nxt Door, na mai-request niya sa mga manonood sa kanila na iboto siya. Pero ang pagboto raw ay magsisimula pa sa November 4 up to November 9 lamang. Bumoto raw sa pamamagitan ng dwww.miss tourismworld.com. * * * Sa Friday, October 19, ang Erik Santos.... Solo at the Coliseum 2007 at ngayon pa lamang, may halong excitement at nerbyos na kay Erik dahil 22 songs ang kakantahin niya, solo at with his guests Sam Milby, The CompanY, Nyoy Volante, Danita Paner at Ms. Aiai delas Alas. Promise ni Erik na magugustuhan ng mga manonood ang kanyang concert. May dance number daw siya, pero sagot niya sa tanong kung magpapa-sexy siya sa pagsayaw niya, hindi raw naman, basta titiyakin lang niyang maganda ang number na iyon. Sa tanong sa kanya kung sold out na ang concert tickets niya, hindi raw siya nakikialam sa sales ng tickets dahil napi-pressure siya, pero ang sabi raw sa kanya, okey ang sales ng tickets. Pagkatapos ng concert, haharapin daw naman niya ang launching ng kanyang first Christmas album, ang “All I Want This Christmas” na isang composition ni Louie Ocampo for Star Records by the end of October. Thankful din siya dahil may isang Christmas song na ginawa para sa kanya ang international singer na si Jim Brickman, ang “Christmas Is”. Pero bago raw matapos ang taon, isa pa ulit studio album niya ang iri-release ng Star Records. Source: Pilipino Star Ngayon |