|
|
| Kuh, problemado kina Pops at Zsa Zsa!![]() Author: Jun Nardo PROBLEMA ang schedule ng rehearsals ng apat na divas na tampok sa concert next week sa Araneta Coliseum! Aba, showtime na pero hindi pa rin magtugma-tugma ang oras at araw ng apat, lalo na at next week pa ang dating nina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla sa abroad! Sa December 2 pa lang ang dating ni Pops galing sa series of shows sa Amerika. Gayundin si Zsa Zsa. Kaya tanging sina Kuh Ledesma at Regine Velasquez lang ang nasa bansa, huh! Mabuti na lang at Christian na si Kuh or else, malamang na nakatikim na ng taray niya ang dalawa, huh! Eh, si Regine naman, keber ba niya kung sa araw ng show o kahit isang araw lang ang rehearsals nila as a group. After all, Songbird naman siya at carry niyang makipagbiritan sa tatlo, 'no? Basta lang ba may teleprompter sa harap dahil baka hindi na niya carry na magmemorya pa ng maraming kanta, eh, may Christmas special pa siyang gagawin for GMA! So kung mapanood ninyo ang show ng apat na divas na in, out, in, out ang drama at saka magsasama-sama sa isa o dalawang production numbers, ang kawalan ng rehearsals ang dahilan nito! Sayang kung ganoon ang drama nila dahil bonggang-bongga pa naman ang eklat nila sa tao, huh! First time nilang magsama sa isang concert kaya sana naman, masulit naman ang ibabayad ng tao sa gagawin nila lalo na at mahal ang tickets! Kabog ang ilang festival entries sa Iskul Bukol...20 Years After, kung pagbabasehan ang trailer ng Tito, Vic and Joey comeback movie na ipinalabas sa premiere ng Scaregivers. Ang mga eksena sa Cambodia ni Vic Sotto ang bumuluga sa trailer at capture na capture ang lugar na pinagsyutingan din ni Angelina Jolie sa pelikula na gumanap siya bilang si Lara Croft, huh! Eh, lutang na lutang din ang kalokohan nina Tito at Joey bilang mga urot at pasaway na magkapatid na laging binabara si Vic, kaya buhay na buhay sa big screen ang characters nila na unang binigyang-buhay sa telebisyon. Sa mga entries ba this filmfest, ano ang matinding kalaban ng Iskul Bukol? Parang wala naman. So, mag-number one man ito sa takilya, walang dapat pagdudahan, huh! Source: Abante |